Episode 39

31.2K 1.3K 369
                                    

Episode 39

ADI's


"Tell me, messy girl." Namulsa si Rogue sa kanyang jogger pants. "Why did you lie about you being the real author of the book?"


Napatingala ako sa kanya. Napalunok nang malalim. Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Napayakap ako sa laptop na aking hawak-hawak.


Kung bakit naman kasi ang tanga ko. Nakalimutan kong nag-type ako kagabi ng para sa book sequel at naiwan kong nakaopen ang mismong file sa laptop. Nakalimutan ko ring i-shutdown ang laptop kagabi dahil sa nabigla ako nang dumating siya.


"So tell me the truth, messy girl."


Kailangan kong kumalma at mag-isip ng paraan kung paano lulusot. Hindi pwedeng malaman ni Rogue ang totoo dahil tiyak na sa maghihimas ako ng rehas 'pag nagkataon. Legal documents ang pinirmahan ko kay Hazel bilang ghostwriter. Ganoon talaga ang buhay ng isang ghostwriter, wala ka talagang habol kahit pa ikaw mismo ang gumawa. Intellectual property rights ang ibinenta at parang bagay lang iyon na agad malilipat sa iba. Kapag may nakalaam ng totoo dahil sa aking kapabayaan ay magiging breach of contract iyon sa part ko. At alam kong hindi magdadalawang isip si Hazel na idemanda ako dahil malaking kasiraan niya ito lalo na at si Rogue pa mismo ang nakadiscover ng katotohanan.


Lumunok muna ako saka pilit na ngumiti. "A-ano bang sinasabi mo, Idol?" Pasimple akong umiwas ng tingin. "L-laptop ni Hazel 'to. Ine-edit ko lang yung gawa niya." Kanda-utal ako sa pagsisinungaling. Pero sana kumagat siya.


"Huh?"


"D-di ba nga, editor niya ako? Natural lang na mabasa mo sa laptop na 'to ang i-tina-type niyang story."


May pagdududa sa kanyang mga mata pero hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman ilang na ilang ako. Grabe ang mga mata ng lalaking ito, tumatagos!


Pilit pa rin ang ngiti ko. "K-kung gusto mo, ipakita ko pa sa 'yo, e." Yumukod ako at binuksan ang ilalim na drawer ko kung saan naroon ang mga resibong itinabi ko. Madali ko namang nakita ito nang mapansing pati iyon ay nakatupi nang maayos. "H-heto. Malinis 'yan at walang alikabok."


Inabot ko sa kanya ang resibo na tinanggap niya naman.


"N-nandyan ang pangalan ni Hazel sa resibo for warranty. Expired na nga lang dahil matagal niya ng binili ang laptop na ito."


Totoo naman. Bigay ni Hazel sa akin ang laptop na ito para makapag-type ako ng novel. Ito iyong time na ginawa na niya akong ghostwriter niya. At dahil siya ang bumili nito ay sa kanya nakapangalan ang warranty card. Makakalusot ako nito kay Rogue kapag nakita niya na kay Hazel nga ito nakapangalan.


Bumagsak ang balikat ng lalaki habang nakatitig sa resibo. Bakit parang bigla siyang nalungkot? Ano naman kung hindi nga ako ang author? May inaasahan ba siya? Wala siguro.


"O-okay na, Idol?" Binawi ko na ang resibo sa kanya.


The God Has FallenWhere stories live. Discover now