Episode 6

201K 6.9K 2.9K
                                    


Episode 6

Rogue's POV


I STILL COULDN'T BELIEVE THAT I AM DOING THIS.


Wala sa plano ko ang iligtas si Jane mula sa mga kalabang tribo!


I might get killed by saving her. I can't just risk my life, yet here I am, standing in front of her. She was about to die when I came and saved her. She's lucky because I got here on time. Kung hindi ay baka basag na ang bungo niya ngayon.


"B-Bathala?" Her eyes widened in shock upon seeing me. Parang hindi siya makapaniwala. She almost had some tears.


"We're going home, Jane." I gritted my teeth. "I'm bringing you home."


Now I'm acting like a superhero. Ang sarap pala sa pakiramdam. I'd never done this before. Ako kasi iyong tipo ng tao na walang pakialam sa iba.


Walang ibang importante sa akin kundi ang sarili ko. I admit that I'm selfish and arrogant. Wala namang nagrereklamo sa klase ng ugali na meron ako. Sanay rin ako na walang nangangailan ng tulong ko. Ang mundo na ginagalawan ko ay puno ng mga tao na kumikilos para sa aking kasiyahan at para ako ay pagsilbihan, and not the other way around.


Everything had changed since I landed on this island. Ang lugar na ito kung saan wala ang parents ko, ang frat at banda na pinamumunuan ko, walang mga maids, assistants, drivers, personal chef, bodyguards, and even my fans. Ang lugar kung saan wala akong pera at kapangyarihan. Ito ang lugar na bukod sa aking sarili ay wala na akong ibang maaasahan.


At dahil certified superhero na nga ako, nasa panganib tuloy ang buhay ko. Ang lalaking babae pala ng mga Dinarandado na ito. Kapag pinagtulungan nila ako, pihadong bugbug sarado ako.


Pero lalaki pa rin ako. Kahit gaano sila kalaki at kabangis, mas malakas pa rin ako.


Tulad na lang nitong isang pinatumba ko na tinatawag nilang Dayag. Malaking babae nga siya ngunit ang bilis ko namang napatumba.


Ewan ko lang dito sa isang babaeng maitim na nakatayo sa harapan ko. She looked strong than the others. Meron siyang maitim na mga labi na nakakadiri. Her hair was kinky, parang alambre. Oily ang mukha niya, pwede na pagprituhan ng bacon. Kahit ilang dipa ang layo niya sa akin ay alam kong may buhok siya sa kili-kili.


Gross.


Gusto ko siyang buhusan ng alcohol.


"Siya ba ang pinuno nila?" pasimpleng tanong ko kay Jane na nasa likuran ko lang.


"Oo, Bathala. Siya sa Durat."


"Kaya pala Dinarandado, kasi mga tinarantado."


"Ha?"


"Nevermind. Sabihin mo nalang sa akin kung paano tayo makakatakas dito."

The God Has FallenWhere stories live. Discover now