Episode 27

56.7K 1.7K 1K
                                    

Episode 27


ADI's


Every story deserves to be told.


Ito ang nabasa ko na nakapaskil sa pader na nasa harapan ko. Sinusubukan ko kasi kung malinaw ba itong bago kong contact lens. Malabo kasi ang mga mata ko kaya kailangan kong magsuot nito. Hindi ko kasi trip ang magsuot ng glasses. Parang ang bigat sa mukha, nakakairita.


Nakaupo ako sa isang director's executive chair. Nautusan lang ako na magdala ng papeles dito pero nadatnan kong walang tao ang opisina. At habang inaabangan ko ang direktor na magre-receive nitong mga papers, natukso akong magpahinga dito sa executive desk ng direktor.


"Cut!" sigaw ko.


Kunwari ay may kausap ako.


"Anong klaseng acting yan?! Roll the camera! Again!" Mayamaya ay mahina akong napahalakhak.


Ang sarap sigurong maging direktor. Wala kang ibang gagawin kundi utusan ang mga assistant mo. Nakaupo ka lang ang pagmamasdan ng live ang screen. Ikaw ang magdedesisyon kung ano ba ang dapat gawin ng mga actors mo.


Sa tinagal-tagal ko na kasi sa pag-e-extra, bihira ako makaharap ng direktor. Kadalasan na nagpapagalit sa amin kapag palpak kami ay ang mga assistant directors.


Napabalikwas ako ng tayo nang biglang bumukas ang pinto. Isang matangkad na lalaki ang biglang pumasok.


Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito. Mukha siyang modelo. May hawak siyang mga folder.


"Saan ko ito pwedeng ilagay?" tanong niya sa akin matapos akong pagmasdan muna.


"Ahm..." Nilingap ko ang paligid. "Dito na lang." Sabay turo ko sa desk.


Lumapit siya sa akin at inilapag naman ang mga ito sa desk. 


Sa tancha ko ay nasa edad 30 lang siya. Guwapo at mukhang may kaya dahil maganda manamit at malinis ang kutis. Nakasuot siya ng white v-neck shirt at cargo shorts na black. Naka-tsinelas lang siya kaya nakalitaw ang malilinis niyang mga kuko sa paa. May suot siyang string bag sa kanyang likuran. Naamoy ko agad ang amoy ng kanyang shampoo mula sa wet look niyang buhok.


"B-bago ka lang dito?" wala sa sarili na naitanong ko sa kanya.


"Yeah. Bago lang." Kahit napakaseryoso ng mukha ng lalaking ito ay nagiging mabait ang dating niya dahil sa mahinahon at malamyos niyang boses. "How about you? Matagal ka na dito?"


"Oo," sagot ko rin. Naaliw ako dahil siya ang bukod-tangi rito sa set na mahinahon at magalang kumausap sa akin. Iyong iba kasing staff dito ay hindi ako sineseryoso. Paano ba naman ako seseryosohin, e bukod sa madalas akong palpak ay may sabit pa ako na dalawang lolang maliligalig at pasaway.


Napatingin ang guwapong lalaki sa desk ng direktor.


Nahalata ko ito kaya nagsalita na ako. "W-wala pa si Direk. Pero baka parating na yun." Bumalik muli ako sa pagkakaupo.


Pihadong malilintikan ako nito kay Mamala kapag may nakaalam na tinambayan ko ang upuan ng isang direktor. Lalo na't nabalitaan kong masungit daw ang bagong direktor na ito.



"So," pumungay ang kanyang mga mata. "Close kayo ng direktor?"


"H-ha?" Lumikot ang aking mga mata. "O-oo. Co-director niya ako."


The God Has FallenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt