[1] Ayumi Sato

12.2K 261 71
                                    

Chapter One; Ayumi Sato

 

Tik tak tik tak…

 

Buong oras ng klase ay nakatingin lang si Ayumi sa orasan. Kada-segundo ay tinitingnan niya ito para lang malaman kung ilang Segundo, minuto o oras ba s’yang maghihintay. Inip na inip na siya, kanina pa niya gustong basahin ang Tantei High. Ang kanyang paboritong basahin sa wattpad, isang sikat na website na pulos mga storya ang naroon. Labag man sa loob niya ay tiniis parin niyang maghintay para lang matapos ang klase nila sa History. Iniwas ni Ayumi ang tingin sa orasan at tiningnan nalang ang kanyang guro, si Mrs. Seira este Mrs. Rosales. Kung sana lang ay si Mrs. Seira ang guro niya sa History ay mag-eenjoy siya, hindi tulad ngayon na naiinip sa mga kwento noon. Diba past is past na? Bakit ba nila binabalik iyon? Hay.. Sabi niya sa isip, kung ang history lang nila ay ang history ng Senshin, Shingami, Custos, at Hunters tribe at kung ano lesson lang nila ay tungkol kay Natsue at Shou, edi hindi siya mayayamot. Pinagmasdan niya ang pagbuka ng bibig nito, pinagmasdan niya ng mabuti ang mukha ng guro, tinitingnan niya ito pero walang pumapasok sa isip niya lahat ng sinasabi ng guro niya. Siguro meron pumapasok, pumapasok sa isang tenga at lumalabas sa kabilang tenga. Wala siyang pakialam kung pagalitin ulit siya nito dahil sanay na siyang pagalitan,well  she’s Ayumi, a hardheaded girl. Binalik niya ang tingin sa orasan at napagtanto niyang sampung minuto pa para magtanghalian sila. Tsk! Ang tagal naman ng oras, kung pwede ko lang tawagin si Naomi! Sigaw niya sa isip. Linibot niya ang tingin sa silid at nahuli ng kanyang dalawang mata kung pano magpindot-pindot ang isa niyang kaklase. Si Riana. Ghad pakiramdam ko ako si Akemi! Sigaw ulit niya sa isip. Napangiti siya sa isip niya nang gumaan ang loob niya at nakalimutan ang oras. Sa ngayon, ang iniisip niya ay kung pano niya nakita agad ang kaklase niya na nagse-selpon. May sixth sense ba ko? Kagaya ba ni Akemi ang sixth sense ko? Tumili si Ayumi sa isip niya at saka napangiti. Naiisip palang niya na may sixth sense siya ay hindi niya mapigilang magtalon sa tuwa. Wala eh, adik sa Tantei High. Napangiti siya nang may pumasok na ideya sa isip niya.

She raised her hand and Mrs. Rosales nodded at her. “Ahm teacher, diba isa sa rule na bawal magselpon tuwing nagkaklase?” She smiled sweetly and took a glance at Riana, na ngayong pinagpapawisan. Tumaas ang isang kilay ni Mrs. Rosales. “Ah yes, Ms. Sato. Why’d you ask?”

“Nakita ko kasi si Riana na nag-yu-UG..” Nakita niya sa peripheral vision niya ang pagkagat ng labi ni Riana. Napagpas’ya siyang umupo nang nagsimulang lumapit si Mrs. Rosales kay Riana. “Is that true, Ms. Montez?” Tanong nito.

Napalunok si Riana sa tanong ni Mrs. Rosales. Napaka-kaswal ng pagkasabi nito pero malalaman mong nakakataas ito. She took a glance on Ayumi that currently looking at her too. She rolled her eyes on Ayumi at binalik ang tingin kay Mrs. Rosales na ngayo’y naghihintay sa kanyang sagot. “Hindi ako nag-UG teacher!”

“Manners Ms. Montez, manners..” Napaayos ng tayo si Riana sa biglang paglamig ng boses nito. Ang ibig sabihin ng ‘UG’ nila ay using gadgets, na bawal na bawal lalo na pag may klase. “And you’re voice, you seem nervous. Eh?” Ngumisi si Mrs. Rosales sa dalaga.

Napayuko si Riana at nagpaumanhin kay Mrs. Rosales. “Apology not accepted. Pagkatapos ng klase diretso sa detention..” Sabi ni Mrs. Rosales at binigay kay Riana ang detention slip. Tinanggap niya ito at pagkatapos ay tiningnan ng masama si Ayumi, saka bumalik sa upuan.

Finding Tantei HighWhere stories live. Discover now