[9] Friendship

3K 118 9
                                    

Chapter Nine; Friendship

Bagong buwan at bagong araw, ngunit hindi parin mahanap ni Ayu ang Tantei, ni hindi nga niya magawa ang misyon (daw) na binigay sakanya. Bagong araw, bagong buwan, nagtataka si Ayu; bakit madaming mga hugis puso sa parke? O kahit san na dinadaanan niya? Bakit ang daming mga taong nagngingitian, nagbibigayan ng bulaklak? Napatigil si Ayu tsaka napangisi na lamang. Stupid me! It's Valentines Day!  Napailing si Ayu at pinagpatuloy ang paglalakad hangang mapunta siya sa matagong parte ng parke kung san ang lugar kun san sila magkikita ni Hiro. Hiro? Hmm, ano kaya pagmag date kami? LOL! NO WAY!


Napatawa si Ayu sa naisip at nilapitan si Hiro, nang makalapit ay nagulat siya nang nginitian siya ni Hiro at hinila agad-agad. 

"O-oy Hiro!" Nagulat sI Ayu sa biglang paghawak ni Hiro sa kamay niya kaya binitawan niya kagad ito. "Bakit?" 

"B-bakit mo hinahawakan ang kamay ko?!" Pasigaw na tanong ni Ayu at nakita niya kung pano unti-unting mamula ang magkabilang tenga ng binata.

"Eh ano naman ngayon?!" At hinawakan uli ang kamay ng dalaga at hindi na naka-angal si Ayu. He held my hand like he was protecting something fragile.. Tiningnan ni Ayu si Hiro habang sabay silang naglalakad sa parke. Bakit ang sarap sa pakiramdam-- bakit masarap ang pakiramdam ko nang hawakan ni Hiro ang kamay ko? Tanong ni Ayu sa isip at napailing na lamang.

Nagulat siya nang nagsalita at tumawa pa nang bahagya si Hiro. "If anybody saw us, I wonder if they'd think of us as a pair of idiot inlove.." 

Nanlaki naman ang mata si Ayu. "Bwisit kaasar ka! Bitawan mo ko!" 

"Eto naman di mabiro halika na nga at hanapin na natin ang Tantei!" Natatawang sabi ni Hiro. "Hep hep! Pero in one condition!"

"Ano?"

"Date tayo?" And Hiro winked.

Pumunta silang dalawa sa mga kainan sa parke at nagkwentuhan, naglaro, at nag-asaran. Pero napaisip si Ayu... bakit tumitibok nang malakas ang puso ko? Ngumiti siya kay Hiro nang napatingin sa kanya ang binata. "Anong problema?" Umiling si Ayu at ngumiti uli, pero hindi iyon sinuklian ni Hiro. 

Napataas tuloy siya ng isang kilay. "Anong problema mo?" 

"Sorry for being..."


"Ano--"


"For being such a weird friend--"

"Hey that's mean!"

"Weird and silly friend--"

Tumawa si Ayu nang napakalakas at napatigil naman si Hiro. "Hahahaha! Ang mean mo sa sarili mo pero infairness.. buti alam mo na weirdo ka--"

"Lets stay friends forever, okay?..." 

Ngumiti at tumango si Ayu. "Yeah, friends.." Tumayo si Ayu sa pagkaupo at pinagpag ang suot na pantalon. "Teka bili lang ako nang maiinom.." Tsaka tumakbo papaalis.

Mabilis. Mabilis ang pagtakbo niya. Napakabilis na halos hindi na niya makita ang dinadaanan niya. Mabilis na halos maglabo na ang paningin niya. Ang akala niya, kaya lumalabo ang paligid dahil sa mabilis na pagtakbo niya, yun pala ay.. umiiyak na siya. 

Tumigil si Ayu sa pagtakbo tumingin sa likod. Malayo na siya, malayo na siya sa parke, malayo na siya kay Hiro. "Bwisit talaga si Hiro!"

Napaupo siya at tumawa nang bahagya at pinunasan ang luha na tumulo, at patuloy na tumutulo. "Leche bakit ako umiiyak!" 

Yumuko si Ayu at patuloy na umiyak sa gitna nang gubat. Oo nasa gubat na si Ayu nang hindi niya namamalayan, napunta siya sa gubat sa bilis nang takbo niya, napunta siya sa gubat nang hindi tinitingnan ang paligid. Tumayo siya at napangiti nang mapait. "I hate this world."

Napatigil siya nang makita niyang nasa gubat siya. "Bwisit asan na ba ako?!" Napasigaw na lamang siya sa inis at pumasok sa gubat. Ni hindi pinagisipan na baka may panganib na darating.

Finding Tantei HighOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz