[14] Flashbacks

2.6K 106 15
                                    

Chapter Fourteen ; Flashbacks



Tiningnan ng maigi ni Ayu si Hirata. Ginantihan din naman agad ito ni Hirata. Nasa isang malaking puno sila, nakaupo sa isang branch ng puno sa itaas, malayo sa Tantei, malayo sa lugar ng mga spirits, malayo sa lahat, pero hindi sigurado si Ayu. Huminga ng malalim ang dalaga. "Hirata, please."


Napataas naman ang isang kilay ni Hirata sa inasal ni Ayu. "Ano kamo?" Inis ni tanong ng dalaga kay Ayu. Naiinis siya ngayon kay Ayumi sa ginawa sakanya kanina. Pagkalabas niya ng tahanan ng mga spirits ay agad-agad siyang hinila patakbo ni Ayu, madaming nakakitang mga spirits at gwardiya sa kanila pero tiningnan lang sila ni Hirata. At umiwas kagad ng tingin ang mga ito, at hindi nagkaroon ng tsansa ang mga gwardya na habulin sila.


"Hinila mo ko papunta dito at yan lang sasabihin mo sakin? Nababaliw ka ba? Gusto mo na bang mamatay?"


Nakaramdam ng lamig si Ayu sa sinabi ni Hirata, at pakiramdam niya, tumayo lahat ng balahibo niya dahil sa tinig ng boses ng dalaga. Ang lamig ng boses niya, tas ang sungit niya! Saan ba tong pinaglihian ng nanay niya? Gosh.


Nagmake-face si Ayumi at hindi naman ito nawalan sa paningin ni Hirata kaya agad niya itong matalim na tiningnan. "Ouch!" Naramdaman nalang ni Ayu na napaatras siya at nauntok siya sa kabubuan ng puno. Tiningnan naman niya ng masama si Hirata at nahulugan siya ng isang mangga sa ulo. "Gosh! Tama na Hirata! Masakit! Ano ba sixth sense mo? Ay hindi ka pala senshin—Ano ba kapangyarihan mo?"


Umiwas lang ng tingin si Hirata at tumingin sa taas, at nakita nalang niya na meron na itong mangga sa kamay. Nanlaki ang mata ni Ayu. "OMG! Don't tell me, telekenesis din ang power mo?!"


Pasigaw ang pagkatanong ni Ayu nun kaya di mapigilan'g tingnan niya ito ng masama, at mabuti nalang ay walang nangyari kay Ayu. "Ang ingay mo, pwede ba? Wag kang sumigaw. Di mo lang nalalaman may nakakita na pala sayo at di mo namalayan kinuha ka na nila o di kaya namatay ka na."


"Hinahanap ka ng mga Senshins, Shinigami, Custos, Hunters, Spirits, Wizards, Fairies, and all the extraordinary tribes here in our world. At ikaw? Paeasy-easy ka lang? They want to kill you Ayu, they don't want na meron isang humdrum na makapasok sa mundo namin without permission! Without the council's permission! And right now, kayang-kaya kitang patayin, right here. Ngayon din."


Napalunok si Ayu sa sinabi nito pero hindi binabawi ang tingin niya kay Hirata, there was something in her eyes na hindi niya maexplain. She don't know. She's not bothered sa fact na hinahanap na siya ng iba't ibang tribo sa mundo nila, she don't care. Wala talaga siyang pakialam, hindi nga siya kinakabahan eh. So why bother? Ayu loves danger.


"Kung ganon, bakit hindi mo pa ko pinapatay, Helen?"


Nanlaki ang mga mata ni Hirata at napakagat ng labi. "W-wag mong sabihin na—- you can see it?"


——————————————————————————————————————————


"Helen!" Lumingon ang dalagang babae sa isang babae nang tinawag ang pangalan niya, tiningnan lang ito ng babaeng nagngangalang Helen. Napanguso nalang si Florence, ang babaeng tumawag sakanya. "May lakad kami mamaya, sama ka? Pupunta kaming mall at mag-aarcade kami! Try mong sumama, please? Para makapagenjoy ka naman, tutal pa tapos na ang klase natin, at next week is hell week! Please please please, sumama ka!"

Finding Tantei HighWhere stories live. Discover now