[19] Welcome

2K 96 18
                                    

Chapter Nineteen; Welcome



"So...what's you're name?" Tanong ni Hideo kay Ayumi nang makapasok ang dalawang dalaga sa silid niya. Napatuwid ng upo si Ayu at binasa ang labi. "Ayumi. Ayumi Sato." Sagot ni Ayu kay Hideo.



Pinagmamasdan ng mabuti ni Akemi si Ayumi habang nakatingin ang dalaga sa papa niya. Napangiti siya nang mapansin na napakaganda ni Ayumi. Naputol ang pagmasid niya kay Ayumi nang makita ang hawak-hawak nito sa kabilang kamay. Nanlaki ang mata niya. It was the scarf, ang scarf ni Hirata, ang scarf na hinahanap ng mga senshins dahil sa isang case. Kinuha kagad ni Akemi ang pulang bandana sa kamay ni Ayumi, napatingin ang dalawa sakanya.




"A-akemi?!" Natatarang pasigaw na tanong ni Ayumi. Si Hideo ay nakamasid lang sa dalawang dalagang nagkatitigan. "B-bakit mo kinuha-"



"San mo nakita to? San mo nakuha to? Alam mo ba kung sino ang may-ari nito--" Naputol ang pagtatanong ni Akemi sa dalaga nang sinuway siya ng papa niya gamit ang inner voice.



" Stop." Sabi ni Hideo kay Akemi sa isip, tumango ang dalaga sakanya at ibinalik ang bandana kay Ayu. "I'm sorry, Ayumi.''



Tumango lang ang dalaga at tipid na ngumiti, at ibinaling ulit ang atensyon kay Hideo na nakamasid sakanila. "Are you a humdrum?"



Nanlamig si Ayumi sa tanong ni Hideo sakanya. Hindi siya makasagot, pakiramdam niya ay nawalan siya ng boses. Umayos siya ng upo at magsasalita na sana nang inunahan siya ni Hideo.



"So you really are a humdrum." Ani nito. "Akemi, lumabas ka muna." Utos ni Hideo sa anak. Tumango si Akemi at nagpaalam sa dalawa. Nang sila nalang ay napahawak ng mahigpit si Ayumi sa bandana.



"Pano ka nakapunta dito, Ayumi Sato." Umiling si Ayumi sakanya. No, hindi ko sasabihin sakanya. Hindi pwede. Masisira ang plano ko. "Ayumi, tutulungan ka namin, kaming mga senshin at po-protektahan ka pa namin. Trust us, Ayumi. You're safe here."



Tumango si Ayumi kay Hideo at lumuwag ang pagkahigpit ng hawak niya sa bandana. Ikwekwento na sana niya kung pano siya napunta rito nang napatigil siya. Agaran niyang sinara ang isip niya at napahinga ng malalim.



Kung ikwe-kwento ko sakanila ang totoo, baka ipabalik nila ako sa mundo namin. Pero diba sabi niya, pagkatiwalaan ko pa siya-wait-no. I can't. Hindi ko sila masyadong kilala, at isa pa. Hindi niya pwedeng malaman na madaming may alam sa mundo nila. No, they can't.



"I'm sorry, Hideo. Pero hindi ko pwedeng sabihin."

Finding Tantei HighWhere stories live. Discover now