Taho

123 3 1
                                    


Nagdodorm ako dito sa U-belt at halos tatlong taon na ako rito. Engineering course ko at ganun din si Gio na kasamahan ko sa kwarto kaso magkaibang school pinapasukan namin. Magkasing-edad kami nito at dahil halos tatlong taon na rin kaming magkasama ay nagkasundo na rin kami kahit papaano. Hindi ko alam pero ubod ng libog ang isang ito na dahilan kaya madalas mag-amoy zonrox ang buong kwarto.


"Shet, pre! Yong bagong lipat diyan sa baba na japanese. Sobrang hot. Ang ganda ng katawan!" Excited pa nitong balita sa akin pagkalapag na pagkalapag ng bag galing school. Alas-onse na ng gabi ito nakauwi dahil sa thesis nito pero gising pa din ako dahil nag-aaral din ako para sa exam namin.


"Mukhang mapapabukas ka na naman ng gripo sa CR ah?" Natatawa kong sabi rito.


"Hahahahahaha. Gago! Pero seryoso hmmmm nanggigil ako. Yamite!" Natatawa pa nitong sabi.


"Nakita ko na yon habang naliligo." Wala sa loob kong sabi.


Lumaki mata na parang nagliwanag nang sabihin ko yon. Bigla itong umupo sa harap ko at nangalumbaba naghihintay ng paliwanag ko.


"Pano? Kwento mo naman sakin?" Parang batang nagmamakaawang sabi nito.


Nakaharap kami pareho sa mesang nasa gilid ng kwarto namin. Sa tapat noon ay malaking salamin na kita ang kalsada sa labas. Hinigop ko ang kape sa tasa ko na hindi na masyadong mainit dahil kanina ko pa ito tinimpla.


"Si Aling Choleng pumunta dito kanina sa taas tapos nakiusap na ayusin yong shower sa baba kasi nga may gagamit na ng kwarto pero di ba sira yon? Eh hindi ko naman alam na may nakalipat na pala yong bagong mangungupahan. Diri-diretso akong pumasok sa kwarto tapos nagtaka ako bakit bukas yong ilaw. Tinawag ko pa nga si Aling Chokeng kasi akala ko siya yong nandun at naglilinis." Sabi ko na muling humigop ng kape.


"Wag ka muna magkape! Mamaya na. Andun na e. Tapos? Tapos? Nakita mo? Nakahubad? Malaki?"


"Napakamanyak mo talaga!" Natatawa kong sabi rito.


"Ano nga, pre? Nakita mo? Parang gago naman to si Lucho e!" Naiinis nitong sabi nang hindi na ako magsalita. Pero dahil sa paminilit nito ay tinuloy ko na ulit ang pagkikwento.


"Tumuloy na nga ako sa CR tapos pagbukas ko ng pinto ay may naliligo. Yong Resha! Yong japanese na sinasabi mo. Naliligo gamit ang tabo."


"May damit? Nakahubad?"


"Wala siyang damit. Pero dahil sa sobrang gulat niya ay nabato niya ako ng tabo."


"Tapos? So nakita mo?"


"Oo."


"Pink?"


"Di ako sure e kasi blurred!"


"Pota. Japanese nga! Paanong blurred?" Naiinis nitong sabi sakin.


"Blurred yong paningin ko kaya hindi ko nakita ng maigi." Natatawa kong sabi rito. "Pero marunong yon magtagalog si Resha."


Lumapaypay ang balikat nito dahil asang-asa na idescribe ko pa ang nakita ko. Sabay kaming napatingin sa kumakatok sa salamin na nasa harap ng kwarto namin. Lalaking matanda na nasa tingin ko ay nasa edad singkwenta at nakangiti ito sa amin. Tinanggal pa nito ang sumbrero at maaninag mo na ang kumikintab nitong anit.


"Mga Otoy! Mukhang napapasarap usapan niyo diyan ah. Balut muna kayo. Mainit pa to." Sabi nito ng mapatapat sa bintana namin.


Ngiti lang ginanti namin at tuloy pa rin si Gio sa pangungulit sa nakita ko.


"Kuha na kayo ng balut. Mura lang to! Pampalakas ng tuhod." Sabi pa ng lalaki na ngumiti ulit. Walang ilaw sa labas pero ipinagtataka ko at kitang-kita ko ang mukha nito. Dahan-dahan ang pag-ngiti nito na parang inuulit-ulit ng pagplay sa utak ko.


"Ay sige lang ho. Gabi na din po kasi at matutulog na kami. Next time na lang po." Tanggi naman ni Gio.


"Ay ganun ba? Oh sige. Daanan ko na lang ulit kayo bukas." Sabi pa nito at muling sumigaw ng balut habang hindi na namin marinig ang boses niyo.


"Pamilyar yong matanda no?" Sabi ko kay Gio na pilit inaalala kung saan ko nakilala yong lalaki.


"Oo nga e. Parang yong dating nakatira dun sa baba na nagtitinda ng balut. Pero di ba paray na yon?" Sang-ayon naman nito.


Sabay na nandilat ang mata namin.


"Foccccccc" Sabay pa naming pagmumura nang maalala namin na nasa second floor kami at walang hagdan sa bintanang kinatok ng lalaki.


"Daanan ko na lang ulit kayo bukas." Paulit-ulit kong naririnig ang boses ng lalaki.


"Poteeek na yan paano ako makakatulog nito?" Namumutlang sabi ni Gio.


"Tabi tayo?"


"Sige, pre."


"Pre—-"


TAHO

Jed Rivas / 2019

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random BlogsWhere stories live. Discover now