Massage Chair

168 3 2
                                    





"Sana ngayong pasko ay maalala mo pa rin ako. Hinahanap-hanap pag-ibig mo. At kahit wala ka na ay nangangarap at umaasa pa rin ako. Muling makita ka at makasama ka sa araw ng pasko." Halos pang-limang ulit ko na yatang pinapakinggan ang kantang yan. Paborito yan ni Joseph. Kapag may salo-salo sa pasko ay yan ang lagi niyang kinakata at tinutugtog sa gitara.

Lahat naman siguro tayo ay natutuwa kapag nakakatanggap ng regalo. Lalo na kapag pasko. Sabi nga nila kapag mas malaki yong kahon mas malaki ang regalo at mas matutuwa yong makakatanggap nito. Pero bakit ako hindi masaya? Bakit ang sakit ng regalong natanggap ko sa araw ng pasko?

Agad kong pinunasan ang luhang nagbabadyang magpaunahan na naman sa pisngi ko. Kanina pa ako nakatitig sa malaking kahon na nababalutan ng malaking gift wrapper. Hinimas ko pa ang karton nito na takot masira ang pagkakabalot.

Tiningnan ko ang note na nakasabit sa kahon na yon.

Hi Mama at Papa,

Sorry if this is the only gift I can give you both. Galing din to sa allowance na binigay niyo sakin na tinipid ko lang to buy you gift this Christmas. I know this isn't much para suklian lahat ng pagod niyo sa work but at least to ease the pain na iniinda niyo sa bawat hapong pagkauwi niyo sa bahay. Malayo ako sa inyo para haplusin ko ang likod niyo so ibinili ko na lang kayo ng pwedeng pamalit sa akin kapag wala ako.

Mahal na mahal ko kayo.

Joseph.

Di na napigilan ng luha ko ang pag-agos. Agad naman akong niyakap ng asawa kong maga rin ang mata kakaiyak. Dahan-dahan naming tinanggal ang balot sa regalo ni Joseph at isang massage chair ang laman nito.

Maya-maya pa ay isang malaking kahon na ang ipinasok sa loob ng bahay. Ito na siguro yong malaking kahon na surpresa ni Joseph sa amin. Yong sabi niyang magpapaiyak sakin. Kasabay ng kahin na iyon ay mga bulaklak at mga ilaw. Dumagsa na din ang pagdating ng mga tao. Tulala lang ako habang walang lakas ang paang tumayo at alalayan ang sarili. Dinig na dinig sa buong kabahayan namin ang iyak ko.

"Siya ba yong batang nag-viral na binugbog? Kawawa naman no?" Sabi ng isang lalaking nagbuhat sa kahon.

"Oo yata. Matalino pa naman daw yang batang yan. Di na talaga siya nakarecover. Paskong-pasko pa naman." Sagot pa ng isa.

Halos bawian ako ng malay nang marealize kong ang nasa loob ng kahon na yon ay ang malamig ng bangkay ng anak kong si Joseph.

"Bakit di mo sinabi kay Mama, nak? Bakit ka natakot? Kung pumayag ka na lang sanang halikan yong sapatos ng nambugbog sayo edi sana buhay ka pa. Hindi ko naman kailangan ng regalo e. Dapat binigay mo na lang yong perang pambili ng regalo mo sakin." Nagsisigaw kong sabi rito habang yakap-yakap ko ang kabaong nito. Naramdaman ko ang pagod at pagkahilo sa buong hapong pag-iyak at tuluyan ng nawalan ng malay.

@jedrivas

Random BlogsWhere stories live. Discover now