Tulog

1K 23 2
                                    


Pinagmasdan ko ang mukha mo. Tinitigang maigi na tila minimemorya ang bawat sulok at detalye ng iyong mukha.

"Mahal na mahal kita. Hindi kita iiwanan. Hinding-hindi kita gagawan ng anumang ikakasama ng loob mo. Sana mahalin mo din ako kahit konti lang." Mahina kong sambit na halos pabulong na dito.

"Hoy, ano? Tsaka mo lang sinasabi lahat ng yan kapag tulog yang bestfriend mo?" Saway sakin ni Mama sabay abot sa akin ng kumot para pantakip sa natutulog na si Dessa.

"Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yan ng gising siya, Ma. Alam mo namang mahal na mahal niyan si Kuya."

•••

Random BlogsWhere stories live. Discover now