Chapter 59

179K 4.4K 726
                                    

Her POV

The training room is always full. Hindi na ito nawawalan ng laman na estudyante dahil lahat ay nagsasanay. Mabuti na lang at malawak ito kaya nakakaya nitong maglaman ng maraming bilang ng estudyante. Ang iba naman ay sa malawak na field ng academy nag-tetraining.

Samantalang ang grupo namin ay napagpasyahan na sa garden na lamang mag-practice. Kasama sila Clarence, Sunshine, Hendrei at Hendrix. Si Greg ay hindi ko madalas nakasama sa mga sumunod na araw dahil abala siya sa pag-asikaso sa nalalapit na event.

"Paano ba ginaganap ang annual ranking?" I asked them out of curiosity. Pansamantala kaming nakaupo sa damuhan na lapag, nagpapahinga lamang sandali.

"Well," tumigil si Clarence mula sa pagpunas ng mga pawis ni Sunshine sa leeg saka ako hinarap. "Noong mga nakaraan na taon ay by department. Iyong may mga hawak ng bronze card, sila ang naglalaban-laban. Iyong mga silver, kapwa silver din at ganoon rin sa gold at black," saad niya. Napatango ako at sandaling napaisip.

"So, hindi sabay-sabay na nangyayari ang laban?" I asked. Tumango si Sunshine.

"Oo. Sa unang araw ay ang mga Bronzo, sunod ang Silvers, pangatlo ang Ors, and last are the Diamant," sagot niya.

"Huh? E, paano 'yon? Ang mga Bronzo ay mananatili na lang na bronzo dahil hindi naman sila nagkakaroon ng pagkakataon na labanan ang mga silver kung gano'n?"

Wala talaga akong alam tungkol sa annual ranking dahil hindi ko naman iyon naabutan. Kaya hindi ko alam kung paano iyon nangyayari at ano ang criteria.

Umiling si Clarence,"No. Tumataas pa rin sila. Kasi ang bawat galaw nila ay may puntos. Kaya kahit ang kalaban ng Bronzo ay kapwa niya Bronzo, may pag-asa siyang umangat. Lalo na kung ang puntos niya ay katulad sa puntos ng mga Silvers. Ang bawat pinapakawalan nilang atake ay may katumbas na grado. So the Bronzo must do their best, para ipakita na kaya nilang makipagsabayan sa Silver, o kahit pa sa gold. Ang pinakamataas naman na puntos sa department ng Diamant ay palaging kay Greg. Kung sakali na may makalampas man doon ay mapapasali siya sa Plus Élévee at siya ang magiging bagong Dieu. Noong nakaraan na taon, ang mga miyembro pa rin ng kasalukuyang Plus Élévee pa rin ang mataas. Una pa rin si Greg at pumangalawa muli si Last," paliwanag niya.

Napatango ako. I suddenly remember what Last said to Greg. That he was always the second. Laging pumapangalawa sa lahat ng bagay. I sighed and shook my head. I felt another pain on my heart, when I remember him.

"Honeybee.." Napalingon ako sa may tabi ko, kay Hendrei. Katabi naman niya ay si Hendrix. I smiled on him. Tinitigan ko ang kaniyang buhok na kulay pale pink. He really look so cute.

"Yes?" I asked. He smiled shyly at iniabot sa akin ang bottled water. I chuckled at tinanggap iyon.

"Salamat, Hendrei." I murmured. Tumango siya at umiwas ng tingin. Si Hendrix naman ay pinapanood lamang ang kaniyang kambal.

Binuksan ko ang bote na may tubig at uminom doon. Saka ko lamang naramdaman ang pagkauhaw nang lumapat ang malamig na tubig sa aking lalamunan. I close my eyes tightly and sighed.

"Are you nervous, Eirian?" Sunshine asked. Nagmulat ako at tinignan siya. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Oo naman. First time ko 'to at alam niyo na, nasa Diamant department pa ako. Mas malalakas ang makakalaban ko," I answered. Tumaas ang kilay ni Clarence.

"Sus, kinabahan ka pa. Baka sila ang dapat kabahan. Ang galing mo na kaya makipaglaban. Iplakda mo lang mga mukha nila. Jombag, ganern!" he said. Napangiti ako at napailing.

Pinanood ko si Clarence na kumuha ng maliit na towel at pumwesto sa likod ni Sunshine. Napanguso ako at pilit na pinigil ang ngiti.

"Day, nakatalikod ka ba talaga?" Tanong ni Clarence. Kumunot ang noo ni Sunshine.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon