Chapter 5

240K 6.9K 857
                                    

Her POV

Plus élevée?

Another French word. So, French ang madalas gamitin na salita rito para sa ilang mga titles. Kaso hindi ko naman alam ang ibig sabihin.

Umangat ang tingin ko sa papasok na grupo. At sa bawat hakbang na ginagawa nila, tila lalong bumibigat ang paghinga ng mga tao sa loob ng cafeteria. Pansin ang pagiging maingat nila sa bawat kilos na ginagawa. Bumibigat at tila lumalamig ang atmospera.

Pinagmasdan ko sila. Their group is consist of five people. Three boys and two girls. Nauunang maglakad ang hindi katangkarang babae. Umaalon ang itim niyang buhok sa bawat hakbang. Tila nanunuri ang mata niya, masungit kung tignan. Diretso ang tingin nito at taas noo. Maliit ang kan'yang mukha pati na rin ang kan'yang ilong at labi. She has a fair skin.

Nasa may likod naman niya banda ang lalaking malamig ang mata ngunit may ngising nakadikit sa labi. He has dark orbs, blacj haur in clean cut, at maayos na tindig. Halata rin sa gray shirt niya ang ganda ng kan'yang pangangatawan. Pansin ko pa ang pasimpleng nakaw na tingin at pamumula ng pisngi ng ilang babae.

Beside him is a slightly chinky guy. Itim rin ang mata nito, ngunit tsokolate ang kulay ng medyo mahaba nitong buhok. His hairstyle didn't affect his posture as a man, instead it emphasize his handsome feature. Nakaka-agaw rin ng atensyon ang presensya niya. He's definitely handsome.

At nahuhuli naman ang lalaki na naka-akbay sa isang babae. At first glance I thought they are in a relationship, couple or what. But when I examined their face carefully, I can say that they are twins. Identical twins. Hanggang batok ang buhok ng babae at pahaba ito sa harap na umabot hanggang sa kan'yang collarbone na litaw dahil sa asul na tube top niyang suot. Ang lalaki naman ay naka-top knot ang itim na buhok. Sumisipol sipol ito. They have the bad boy and bad girl look.

Hindi kalakihan ang kanilang itim na mata. Mula sa ilong, kulay ng buhok at mata, at labi ay pareho sila. Magkamukhang-magkamukha sila, but of course, their bone structures are different. Feminine and manly. Hanggang tenga lang rin ang babae kumpara sa taas ng lalaki.

All in all, they are all beautiful creatures, but behind their appearance I can feel something about them. That they are dangerous. Na dapat silang iwasan.

Lahat sila ay pumunta sa counter at nag-order ng pagkain. I refused to watch them and I just continue what I am doing. Kinakabahan akong malaman nilang pinagmamasdan ko sila at namamangha ako sa kanila.

Nanatiling tahimik ang buong paligid. Halos marinig na ang bawat simpleng kilos ng ilan. Hanggang sa marinig ko ang papalapit nilang mga yabag.

Halos mapasinghap ako nang pumwesto sila sa lamesa na nasa bandang harap ko. Dahil mas malapit sila, mas kumabog ang dibdib ko. They are scary, kahit wala pa naman silang ginagawa. Pinipigil ko ang sariling tumingin sa kanila, dahil may malaking tsansa na makasalubong ko ng tingin ang kung sino man na nakaharap banda sa gawi ko. I don't know why, pero ayokong mangyari 'yon.

Halos malalamig ang ekspresyon nila. Mga ekspresyon na magbibigay sa'yo ng kaba at takot. Their presence are intimidating. Na kapag sinalubong ka ng tingin ng mga ito ay tila manginginig ang tuhod mo at matutumba. You can sense the danger, authority and power. At sa paaralang ito lamang ako nakaramdam ng ganito.

Yumuko ako lalo ngunit nanatiling nakikiramdam. Tinusok ko ng straw ang karton ng pineapple juice at nagsimulang sumipsip doon. Pinigilan kong lumingon ng magsalita ang babaeng maliit sa grupo.

"So, sa Lunes na talaga ang opening ng class right?" malamig ang boses niya. Halos panindigan ako ng balahibo. Parang nagsisisi na tuloy ako na rito pumwesto. Ginusto ko lang naman maka-iwas sa mga estudyante but I think this is worse.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now