Chapter 3

261K 8.2K 1.1K
                                    

Her POV

"Mag-iingat ka do'n, huh? Wag mong hahayaan na apihin ka na lang ng kung sinu-sino lalo na ng mga mayayaman na nanro'n. Sila, naro'n dahil sa pera nila, ikaw dahil sa talino! Kaya h'wag kang papayag dahil lamang ka sa kanila."

Hindi ko mapigilang mapangiti habang paulit-ulit na pinapaalalahanan ako ni Tita. Hinahaplos niya ang buhok ko saka inakbayan.

"Tapos h'wag kang mahihiya kumain! Libre naman, 'di ba? Basta, h'wag na h'wag papabayaan ang sarili. Iwasan mong magkasakit, mahirap pa naman kapag ikaw ay nagkakasakit. Hindi kita maaalagaan. 'Yung ibinigay kong cellphone, para may communication tayo," dagdag pa niya. Tumango ako saka niyakap siya nang mahigpit.

Narinig ko ang mahina niyang hikbi kaya hindi ko napigilang maiyak. Sobra-sobrang lungkot ang nararamdaman ko. Dahil mahihiwalay na ako sa pamilya ko.

"Ano ba yan! Nagdrama pa tayo. O siya—Wow! 'Yan ba ang sundo mo?"

Pinalis ko ang mga kumawalang luha at tumingin sa sasakyang tumigil sa harap namin. Sandali akong natulala habang pinagmamasdan ang bahagya pang kumikislap dahil sa pagtama ng araw na kotse.

I immediately close my mouth as I stare on the luxurious car.

Napatingin ako kay Tita na katulad sa akin ay namangha rin. May dalawang lalaki na naka-suit ang lumabas. Bahagya itong yumuko sa harap ko bago kinuha ang dala kong dalawang malaking bag. Nilagay nila ito sa compartment at muling bumalik sa harap ko. Unti-unting napawi ang nararamdaman kong paghanga nang maalala na aalis na nga ako.

"Tita.." pumiyok ako.

Namula ang ilong ni Tita saka suminghot. Mariin siyang pumikit at muli akong niyakap ng mahigpit. She kissed me on my forehead and murmured.

"Ingat ka ro'n. Mamimiss ka namin. Mahal kita."

Pinigil kong umiyak at tumango. Humiwalay ako sa kan'ya at muli siyang pinagmasdan.

"Para sa atin 'to Tita," bulong ko. Tumango muli siya. Lumagpas ang tingin ko sa likod ni Tita at do'n nakita si Tito na malungkot ang mukha. Naka-karga sa kan'ya si Ella na umiiyak. Nang makita na nakatingin ako sa kan'ya ay binaon niya ang mukha sa leeg ng kan'yang ama.

Alam kong nagtatampo siya dahil sa pag-alis ko. Pero kailangan kong mag-aral. Hindi gano'n kadali ang mag-apply ng scholarship. At full scholarship pa ang ini-offer sa akin. Ang mga offer nila ay hindi madaling makuha. So why not grab the opportunity? Kahit ang kapalit nito ay malayo sa pamilya. Pero okay lang. Kakayanin ko. Tsaka magkikita rin naman ulit kami.

"It's already time, Lady Agape," saad ng isa sa naka-suit.

Kapansin-pansin ang isang gintong bagay sa kan'yang dibdib. Nakadikit ito sa ibabaw ng kan'yang suit. It's a shield, at may tila espadang naka-patong dito. Sa may bandang baba ay isang rectangular plate kung saan nakalagay ang salitang 'Angst Academy'. Nasa isalim nito ang kan'yang pangalan. Ethan Salazar.

That's must be the logo of their school.

"Aalis na po ako Tita. Mag-ingat din po kayo. Mahal ko kayo," pagpaalam ko.

Malungkot siyang tumango. Bumaling ako sa bandang likod niya at kinawayan sila Tito at Ella. Mapait akong ngumiti nang hindi ako pinansin ng pinsan kong si Ella. Lilipas rin iyan at mapapatawad niya ako.

Pinagbuksan nila ako ng pinto ng kotse. Sa huling pagkakataon ay kumaway ako. Hanggang sa unti-unti nang sumara ang pinto. I refuse to look at them from here, dahil baka umatras lamang ako. Bakit kasi boarding school ang Angst Academy? Ibig sabihin ay mananatili ako do'n nang matagal na panahon.

The man on suit started the engine. At unti-unti nang umandar ang sasakyan. At pumaharurot palayo, palayo sa kanila.

I know, hindi magiging madali ang pag-aaral ko ro'n. I'm expecting na magiging kumpulan ulit ako ng bullying. Tapos, uutos-utusan ng mga bratinella. Mabuti na lang at hindi ako binubully ng mga lalaki. Well, minsan napagti-tripan. Pero minsan lang dahil ako mismo ang lumalayo kapag nakakakita ng kumpol ng mga lalaki sa isang dako.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now