Chapter Four

358K 5.1K 204
                                    

Lovebirds?

Natigil ako sa pag-iisip ng dumating yung order namin. 10 minutes ago pa umalis yung dalawa at naiwan nalang kaming lima dito. Katabi ko yung Wayne na hindi matigil sa kakasalita. 

Si Norma kanina pa nagtatanong kung kilala ko si Kurt.

"Ito kay Kurt, pero baka hindi na – ayown! Speaking of the devil."

Napalingon ako sa may pinto, dumating na si Kurt at nasa tabi niya yung Micha. Natahimik sina Wayne nang dumating sila, para kasing may mabigat silang energy na dala.

Para silang nag-away. Girlfriend ba'to ni Kurt?

Naupo si Kurt sa bakanteng upuan sa tapat ko, at yung Micha sa tabi ni Wayne.

Sumipol nanaman yung Wayne, yung dalawang lalaki umiiling, nakangiwi si Norma. At ako parang gusto ko nalang biglang maglaho. Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan nila.

Ba't ba ako napunta dito?

Ang awkward.

Tumikhim ako. "This is awkward. Aaalis na ako, nice meeting ---"

"You stay here." Rinig ko ang halong inis sa nanlalamig na boses ni Kurt. "Since you're here. It's best for them to know who you are." Tinignan niya ang mga kaibigan, saglit na tumitig sa pwesto nung Micha, tsaka binalik sa akin yung tingin. "She's Anica, the one I'm talking about last night."

"Damn." Wayne.

"Wait. The marriage?" Norma. Natutop niya ang bibig habang nakatingin sa akin.

Anak ng! Gusto ko lang naman magpalamig.

Nagulat ako ng bigla nanamang tumayo yung Micha at ang sama ng tingin sa akin tska siya sumigaw ng malakas. "You're the reason why our relationship has to end!"

Kusa ko siyang tinaasan ng kilay. I scoffed. "Do you think I chose him? Parehas lang kaming nalagay sa sitwasyon na'to."

Bakit niya ako tinatarayan?

Nanlilisik ang mga mata niyang lumapit sa akin, pero bago pa man niya magawa ang iniisip niya, tumayo na ako at humakbang patalikod.

Nasubsob siya sa inuupuan ko. Napatayo si Wayne at inalalayan siya, ganun din si Kurt. Lumapit naman sa akin si Norma at tinanong ako kung okay ako.

Kinuha ko nalang yung ice coffee ko na hindi maubos-ubos dahil sa natutunaw niyang yelo!

"Naku ha! Huwag niyo akong dinadamay sa lovers quarrel niyong dalawa. Kung gusto niyo magsama na dalawa, edi kayo magpakasal! Duh?"

Inirapan ko sila tska na umalis.

Tignan mo nga naman, hindi mo aakalain na magkakaroon ako ng ganitong araw.

Sinupsop ko lahat ng natitirang ice coffee tska naman nag ice cream. Kailangang ko pa bang ma- brain freeze para lang lumamig ang ulo? Sinubo ko ang isang isang spoon ng cookies and cream tska pinakiramdaman ang sarili.

Napabuntong-hininga ako.

I can't.

I don't think being married to him is a good idea. May bago na siyang buhay. He has a full set of new friends; I don't think he's in touch with his previous friends. I texted his friends, our friends, kung nakakasama nila si Kurt and they said it's been a while na daw at wala na silang balita sakanya.

Looking at him now, he's different. Para ngang hindi siya yung Kurt na nakilala ko noon.

May girlfriend na din siya.

Will Kurt Winchester Stay? [Published under PopFiction]Where stories live. Discover now