Chapter Two

412K 5.4K 157
                                    

Lumipas ang maraming araw at naging busy na din ako sa school. May mga papers na kailangan i-submit, but somehow, I felt relief. Malapit na akong matapos.

Nilagay ko sa isang folder lahat ng mga natapos kong paper. At nilagay naman sa isa yung uumpisahan ko palang.

I turned off my study light shade tska sumalampak sa kama. Na-drain yata yung utak ko dala ng kakaisip kung anong ittype. Dumapa ako at inabot ang cellphone.

Nag-bukas ako ng IG at nakitang may bagong followers. I looked it up and saw sethyy69. Pinindot ko ang profile and it's private. Hindi ko in-accept at hindi rin ako nag follow back.

After hearing what Seth said 3 weeks ago, I didn't get better. Mas lalo pa nga akong nagalit at nainis.

I continued scrolling and found a picture of a couple, napataas ang kilay ko at parang baliw na natawa.

"Wala na talagang loyal ngayon sa mundo."

"Ano nanaman yan?" Napalingon ako kay Krista na nasa left side ng kama, hindi pa pala tulog ang homeless. Paano halos isang lingo na siyang dito nakiki-tulog.

Pinakita ko sakanya yung picture. Nanlaki yung mga mata niya, kinuha sa akin ang phone at nagbasa ng comments. "O-M-G. Ito yung lalaking kasama natin kanina na ka-date mo ah."

"Yep!" I said popping the P.

"Pero sabi niya wala siyang girlfriend!"

Tumango-tango ako. "May account din siya, pero ni isang girlfriend doon wala. Sabi ko nga sa'yo, wala ng loyal sa mundo." Umiling-iling ako.

"Eh? Kaninong account to, paano mo nakita?" Nag-taka rin ako. Sinilip ko ang ginawa ni Krista sa phone, pinindot niya ang nag-post. Nagkatinginan kami ng makitang follower kami ng isa't isa.

"Huli ka balbon! Inistalk ka ng girlfriend niya!" Sigaw niya at pinalo-palo ang balikat ko.

Sabay kaming napalingon ng mag notify na may private message ako sa IG. Krista opened it and read it for me. "Open minded ka ba? From lambobamboo."

"Pfft!" Natawa kami pareho at napailing nalang. Akala namin yung babae na.

Hindi na namin pinansin at parehas nalang kaming inayos ang higa sa kama. Nagkwentuhan tungkol sa buhay.

"Nga pala. I-meet ko na yung lalaki next week."

Napaupo si Krista at nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin. "Ha? Talaga!? Ibang guy ba yan? Pumayag ba ang lola mo?"

Umiling ako. "Hindi pumayag si Lola. She wants me to see him first. I don't know, maybe they will let me decide this time."

Bumalik siya sa pagkakahiga. "Ano kaya hitsura niya? Matanda? Hmm... matandang ulyanin? Mayaman na malapit ng mamatay?"

Inirapan ko siya at umiling. Hinayaan ko na siyang magsalita mag-isa.

Napatitig nalang ako sa phone ko, doon sa picture nung babae at sa lalaking kadate ko lang kanina. 1 week ago lang to nanligaw, at dahil bored ako sinagot ko. Hindi naman ako serious, pero ito nga may girlfriend pala siya.

Nalaman siguro ng girlfriend niya kaya nag-follow sa akin.

Pinindot ko yung profile at doon ko siya ini-stalk.

Nanlaki ang mga mata ko. "What? 9 years!?" Natutop ko ang bibig. Bahagyang gumalaw si Krista na natutulog na pala.

"9 years?" Pag uulit ko pero pabulong.

Napailing ako. "Haays. Buhay nga naman." Nag-type ako ng message at sinend sakanya. Telling her that her boyfriend's cheating. Hindi pa man dumadaan ang isang minute, nag reply siya.

Will Kurt Winchester Stay? [Published under PopFiction]Where stories live. Discover now