Chapter Three

361K 5.2K 142
                                    

Tatlong taon ang lumipas. Nitong nakaraang araw hinihiling kong mahanap siya para sagutin niya ang katanungan na gumugulo sa akin.

I've been wishing to find him – I need closure.

He's wearing a white polo, nakatupi hanggang siko ang manggas, ang mga mata niyang walang emosyon pero masarap titigan, ang labi niyang ilang beses ko ng nahalikan noon. Walang-wala ang mga totoy kong lalaki sakanya.

He's not smiling and he's just staring at me. Wala siyang emosyon

Lahat ng atensiyon nila, nasa akin. Doon ko pinutol ang tingin sakanya at umayos ng tayo, kunwari akong umubo.

"Sorry. I'm fine. Natapilok lang." Palusot ko tska pilit na ngumiti pero yung atensiyon ko nasa plato. Hindi ko alam kung saan titingin, hindi ako mapakali.

Para akong masusuka.

"Are you okay?" Muli akong napatingin sakanya. Nasa akin din ang atensyon niya, pero yung expression niya, hindi ko makuha kung ano.

Parang hindi niya kilala kung sino ang nakatayo sa harap niya ngayon.

Nanlabo bigla ng paningin ko.

"Excuse me." Agad akong umalis doon, nagtanong ako kung saan ang banyo tska pumasok.

Pagkasara, humarap kaagad ako sa salamin. Namumutla ako kaya agad akong nag ayos. Pero hindi pa din ako mapakali, anong ginagawa niya dito?

At anong mom? Si Alora, mom niya?

Napahawak ako sa batok at lumakad-lakad sa banyo. Naguguluhan ako.

"Sandali."

Huminto ako at humarap sa salamin. Bakit ako ang nagkakaganito? Hindi ako ang nakipag- break! At mas lalong hindi ako ang nag-loko! Hindi pwedeng ganito ako!

Umiling ako. "Baka hindi siya. Sana naman hindi siya."

Nag-hugas ako ng kamay tska lumabas.

Napatingin sila sa akin, nakaupo na si Kurt sa tapat ng inuupuan ko. Naupo na ako at ngumiti sakanila.

"Sorry. Nahilo lang po ako nung bigla akong tumayo. I'm fine now."

Tumango si Denny tska siya nagsalita. "I'm glad you're okay." Lumipat ang tingin niya kay Kurt, "I would like you to meet our son, Kurt."

Son? Family nga sila?

Nilahad ni Kurt yung kamay niya. Nangunot ang noo ko, pero inabot ko iyon.

"Kurt, and you are?"

Ano!? What the hell!?

Lahat ng kung ano mang nararamdaman ko kanina, napalitan ng inis at galit. Matapos niya akong lokohin at putulin ang lahat sa condo niya, sa harap ng babae niya, ganito ang bungad niya sa akin?

Umaastang parang hindi niya ako kilala!?

Nakuyom ko ang kamao na nasa ilalim ng lamesa.

Nginitian ko siya. "I'm Anica. It's nice to finally meet you." Nagbitaw ako ng kamay. "Pero, you look really familiar, have we met before?"

Rinig kong napa-tikhim si dad, hindi ko siya pinansin.

Nakatingin lang ako kay Kurt, pero he remained the same. Mas lalo pa akong nainis sa sunod na sinabi niya.

"I don't think so."

Tumango ako. Si Denny naman ang sunod na nagsalita. Kakain daw muna kami tska kami mag- uusap sa loob ng bahay.

Will Kurt Winchester Stay? [Published under PopFiction]Where stories live. Discover now