Chapter One

640K 7.8K 516
                                    

Nakatulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng sagot sa isang subject ko. Habang si Krista kanina pa humahagikhik. Mahina ko siyang siniko kaya natigil siya, nag-sorry sa kanina pang naiingayan na ibang students sa library.

Kanina pa ang dismissal pero may tinatapos ako sa library para ready to submit na bukas kahit pa next month ang due date. Ayaw ko namang matambakan, malapit na kasing matapos ang sem at paniguradong maraming lalabas na gawain.

"Ang ingay mo. Mahiya ka nga." Bulong ko, katabi ko lang siya habang nakaupo kami sa couch.

"Sorry na nga. Ito kasing meme nakakatawa." Bulong-bulong niya habang nakatutok sa phone.

Hindi ko na siya pinansin. Tapos naman na siya kaya hayan at ang ingay, sabi ko namang umuwi na siya pero sabi niyang makiki-sleep over daw siya.

Busy lang ako sa pagsagot pero maya-maya nag paalam siya at may gagawin daw. Hindi ko na pinansin.

"Haay salamat! After 1 hour and 45 minutes!" Nakangiting tinapik ko yung laptop tska sinave yung ginawa ko. Maya-maya bumalik na din si Krista, naka-kunot noo siyang nag-s-scroll sa phone, hinayaan ko nalang.

May babasahin pa ako.

"Anica."

"Hmm?" Mula sa libro nag-taas ako ng tingin. Ang seryoso ng mukha niya. "Napano mukha mo, Krista?"

"Eh kasi nahanap ko IG ni Lucy." Humirit pa siya. "Accidentally, okay?"

"Shh!"

Natigil kami ni Krista. "Anak ng! Halika nga, tapos ka naman na!" Inayos na niya ang gamit ko at siya na rin nagbuhat ng bag ko. Hinablot niya ako sa kamay tska kami umalis ng library.

Huminto kami sa field kung saan palagi kaming tumatambay.

"Ano ba kasi yun?" Kinuha ko ang jacket sa bag tska naupo sa grass. May mga ibang students ang gumagawa ng project nila, yung iba naman nag p-practice ng sayaw, at yung iba tumatambay din.

Alas-kwatro na din kaya maraming classes ang dismissed.

Tumabi sa akin si Krista, hindi pa rin naaalis ang seryosong mukha. Huminga siya ng malalim at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"OA ha! Ano ba kasi yun? May tinatapos pa akong libro sa library."

"Ito na nga kasi! I found something at sinasabi ko sa'yo tumaas ang balahibo ko!"

"Ikaw ha! Kapag isa nanaman yan sa mga nang-gugulat, lagot ka sakin!"

"Hindi yun! Promise!"

May kung ano siyang hinanap sa phone niya. "Wag kang magugulat ha? Eh kasi nahanap ko si Lucy sa IG, tapos private yung account niya kaya gumawa ako ng paraan. Hinanap ko si Norma para lang maki IG sa account niya, and I was right! Following sila ni Lucy. Kaya nag screen shot ako."

Pinag-taasan ko siya ng kilay. "Oo na Krista! Huwag mo akong yabangan sa FBI skills mo ha!"

"Ano ka ba! Common sense lang to. So ito na nga, may nahanap ako. Ready?"

"Ano ba kasi yun?"

Binuksan niya ang phone at hinarap sa akin ang isang group picture. "Nahanap ko siya."

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero habang tinitignan ko yung mga mukha ng nasa picture, huminto yun sa lalaking naka-bonet ng itim.

Kumalabog yung puso ko.

"Si Kurt." Hindi yun patanong. Alam kong si Kurt yun. He was my childhood friend. And the guy I've spent my intimate 7 years with.

Hindi siya nakangiti pero aware sa camera. May hawak siyang beer sa kanang kamay. He's with other people too na hindi ko kilala, except kay Lucy na nasa kabilang side habang yakap ang isang lalaki at nakangiti sa camera.

Will Kurt Winchester Stay? [Published under PopFiction]Where stories live. Discover now