Tres

905 36 15
                                    

YUMI's POV

"Kuya, para po!" Sabi ko sa driver nang makarating na kami sa tulay na naghihiwalay sa dalawang bayan. Tumingin lang ito sakin na parang nagtataka.

"Bawal po dito, Miss." Nag-aalangang sabi nito.

"Kuya, papara ka ba o tatalon ako? Dito ako nakatira sa tulay. Okay na?" Sabi ko rito na medyo nilakasan pa. Nangingialam sa desisyon ko sa buhay.

Hininto din naman nito ang jeep nang makita niyang pinipilit kong buksan yong pintuan ng jeep. Padabog ko itong sinara at nagmadali akong tumabi at naglakad sa sidewalk pero maya-maya ay binubusinahan ako nito.

"Miss! Miss!" Malakas na tawag nito. Ano na naman ba problema nito? Tss.

"Bakit na naman ba?" Pasigaw kong sagot rito sabay lingon habang nakabalandra sa mukha ko ang isang napakalaking "what-the-fuck-is-wrong-with-you look".

"Y-yong takip ng fishball mo naiwan." Nagkakandautal-utal nitong sabi sabay bato sakin ng takip at paharurot ng sasakyan nito. Tse! Amoy bayabas na bulok naman ang kilikili.

Pinulot ko na lang ang takip at niyakap ito habang naglalakad sa sidewalk ng tulay. Dito ako laging dinadala ni Papa noong nabubuhay pa siya. Dito din ako pumupunta kapag malungkot ako katulad ng nangyari ngayon. Mataas ang tulay na ito at tanaw sa kabilang dako ang nagkikislapang ilaw ng siyudad. Taray. Siyudad. Oh edi city! Happy? Dito din ako unang nahold-up at nahablot ang bag kong nilagyan ng mga kaklase ko ng bato na hindi ko alam.

Ewan ko ba pero feeling ko nakakahinga ako ng maluwag kapag nandito ako sa tulay na ito. Parang feeling ko ang safe ko dito kahit kabi-kabila ang nagsisinghot ng plastic na may rugby.

"Ate Yumi!" Tawag sakin ng batang madungis na nagtutulak ng kariton. Si Kio Hawthorn. Sounds sosyal di ba? Amerikanong hilaw na laging nakatambay dito sa may tulay.

"Oh bakit nandito ka pa? Gabing-gabi na ah?" Nag-aalalang tanong ko rito. Parang kapatid na ang turing sa batang ito. Iniwan siya ng ama niya dito sa tulay nang mamatay ang Mama niya dahil sa panganganak sa kanya at sabi sa kanya ng mga madreng kumupkop sa kanya dito daw siya babalikan ng Tatay niya ayon sa sulat na iniwan nito kasama niya nang matagpuan siya.

"Kakabenta ko lang lahat ng bote at bakal na nakolekta ko e." Sabi nito na nakangiti pa. Napakapoging bata. Kapag ako umabot na virgin sa edad na trenta ay hihintayin ko na lang ang batang ito. Charot!

"Oh eh saan ka na papunta ngayon?" Tanong ko rito.

"Pauwi na ako sa ampunan. Ikaw bakit nandito ka pa?" Nagtatakang tanong nito sakin.

"Masakit kasi puso ko ngayon. Di ka ba busy? Tara inom tayo? Sagot ko." Wala sa loob kong sabi rito.

"Ate naman. Eight years old pa lang ako." Naiiling na sagot nito.

"Gusto ko maglasing. May alam ka bang bar na malapit dito? Yong madaming lalaki para makalimutan ko yong gagong boyfriend ko." Tanong ko rito.

"Doon sa may unahan meron don patay-sindi tapos may mga alak din at halos lahat ng nakikita ko don na pumapasod ay lalaki." Sabi ni Kio sabay nguso ng daan papunta sa tinuturo nitong bar.

Tall, Daks and HandsomeWhere stories live. Discover now