Uno

2.3K 90 34
                                    

Yumi's POV

"C-condom?" Nabablangko kong sabi habang nakatitig sa pakete ng condom na nilagay nito sa kamay ko.

Bakit niya ko bibigyan ng condom? Hala siya. At bakit siya may dalang condom? Malanding lalaki! Haliparot! Martial artist ba siya? I mean karatista ba siya? Karat dito. Karat doon! Tss.

"Ineng, kanina mo pa tinitingnan yang condom na binigay sayo ni Pogi. Gagamitin mo ba yan o hindi? Kasi kung ayaw mo akin na lang." Halos lumuwa yong eyeballs ko kay Lola na nag-abot sa akin kanina ng bra dahil sa sinabi nito. Hala siya! Si Lola mukhang tuyot na pero may asim pa pala.

Sabi nila pampaswerte daw yong condom so hindi. Itatago ko ito. Ipapa-laminate ko tapos ilalagay sa frame at isasabit sa kwarto ko. Char!

"G-gamitin ko po to, Lola. Para sa p-project. Hihi." Mahinang sabi ko. Project? By pair lang po yong project. Jusko ano ba naman tong nangyayari sakin?

Tinaasan lang ako ng kilay ni Lola. Ay oh! Taray naman po pala. "Hindi ko din yan magagamit kasi maghihiwalay din kayo. Di ba sweetiepie?" Sabi nito sabay halik sa lips ng driver.

Oh my punjay na may sabaw! Izzz diz por ril? I kennat. I wanna die. I wanna make suka my kinain yestaday! This is ridiculous!

S-si Lola at si Manong Driver? A-ayoko na! Ayoko na talaga! Finish na talaga ang laban. Halos ganun din ang reaction ng mga nakasakay sa jeep. Eh halos apo na niya yong driver na sa tingin ko ay nasa bente singko pa lang.

Napatingin ako sa katabi kong kakasakay lang. Babae na may kargang baby na isang taon na yata. Ang cute-cute niya! Sarap gawing keychain!

Napalingon ulit ako kay Lola at sa kay Kuyang Driver. Di pa rin pala tapos makipaghalikan. Jusko! Patawarin.

"P-para po!" Nagkakandautal-utal kong sabi rito. "K-kuyaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko nang hindi nito pansinin ang sabi kong papara ako. Halos isang kanto na ang layo nito sa SM na nilagpasan ko dahil sa pagkakatulala ko sa condom na binigay sakin ni Kuya.

Biglang huminto ang jeep. "S-salamat po. B-babye, baby." Sabi ko nang makababa na ako ng jeep at nag-flying kiss pa pero hindi ko napansin na lumipat pala ito ng pwesto yong babaeng may baby kaya parang kay Kuyang Driver ako nagpaalam.

"B-babae mo yon?" Sumisigaw na sabi ni Lola. Hala! Halaaaaaaaaaa! Takbo, Yumi!

Halos liparin ko ang kalye para lang makatago sa kung saan pwedeng magtago. Jusko naman, Yumi. Kung di ka ba naman isa at kalahating malandi e magba-bye ka ba naman sa driver? Tapos nagflying kiss ka pa? Kasalanan ng baby yon! Tss.

Hingal na hingal ako habang nagtatakbo pabalik sa may bandang SM nang makita ko si Lola na bumaba ng jeep at may bitbit na tubo. Jusko ka! Hindi ko aagawin yang boyfriend mong mukhang walang ligo. Tse!

Malayo-layo na rin ang nalalakad ko pero di pa din mawaglit sa isipan ko yong lakaking yon. Taray! Mawaglit sa isipan. Big word! Pero sige na move-on na. For sure di na din naman kami magkikita ng mga taong nakasaksi sa kung anuman ang nangyari sa loob ng jeep na yon.

Naglakad-lakad ako papunta sa sakayan ng tricycle. Isang sakay pa papunta sa dorm nila Carlos. Excited na ako na kinakabahan. Ito na yon! Kaso dahil sa kamuntikan na akong malaglag sa jeep kanina di kaya way yon ni Lord na wag na ako tumuloy? Pero paano si Carlos? Asang-asa na pa naman yon. Pero paano kapag nabuntis ako? Hindi pa ako handa para maging Ina.

Tall, Daks and HandsomeWhere stories live. Discover now