Prologue

3.2K 95 31
                                    

WARNING: This is a trashy story.

Mayumi's POV

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at lumanghap ng madaming hangin sabay pagpag ng namamawis kong kamay sa nalukot kong palda. Napaubo ako dahil sa usok na nalanghap ko. Shet.

Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon kong pagpunta sa boarding house nila Carlos. It may be the right thing to do even though it feels wrong. Napabuntong-hininga na lang ako.

One year na din naman kaming magboyfriend-girlfriend at paulit-ulit niya na akong kinukulit para pagbigyan siya. Mahal na mahal ko din naman siya pero natatakot ako kasi baka pagkatapos kung maibigay sa kanya ay iwanan niya din ako gaya ng nangyari sa mga kaibigan ko.


Napangiti ako nang maalala ang isang gabing muntik ng may mangyari sa amin pero pinigilan ko ito. "Hindi pa ako ready." Tutol ko rito. Ngumiti lang ito at nirirespeto niya daw ang desisyon ko at handa daw siyang maghintay. Napalitan ng lungkot ang kilig kong nararamdaman dahil nitong mga nakaraang buwan ay parang nagbago na ang pakikitungo nito sakin.


"Baka nakakita na ng bago at pinagbibigyan ang hilig. Ikaw din kasi napakaarte mo!" Sabi pa ng kaibigan ko nang minsang sabihin ko sa kanyang nanlalamig na sa akin si Carlos. Hindi ko din naman masisisi si Carlos. Nagtiyaga siyang hintayin ako at ngayong graduate na ako sapat na siguro ang panahong binigay ko sa sarili ko at pagbibigyan ko na ang taong minamahal ko. Total nasa tamang edad na din naman ako at may matinong trabaho.


Huminga ulit ako ng mas malalim. Lalong kumakabog ang dibdib ko nang makareceive ako ng text message dito na nasa bahay na daw at nakaligo na. Jusko. Tama ba talaga tong gagawin ko? Di ba dapat kasal muna bago asal? Pero baka iwanan niya ako mga momshie. Hindi ko kakayanin yon.


Hindi ko muna nireplyan si Carlos at inuna kong makasakay na muna sa jeep papunta sa lugar nila. Pinara ko ang jeep na palapit na sa akin. Bitbit ang hand bag ko at isa pang paper bag na may lamang damit ko. Nilipat ko sa isa ko pang kamay ang paper bag para makasakay na ako. Alas-singko na kaya pahirapan na ang makasakay sa pampasaherong jeep. Tsaka ayoko namang mag-grab dahil masyadong mahal no. Isang paa pa lang ang naisasampa ko sa jeep nang bigla itong umandar.

Shet. Shet. Ano ba naman to Kuya? Napapikit ako ng sobrang diin. Bahala ka na sakin Lord. Agad kong hinablot ang anumang maaabot ng kamay ko at sumakto ang dalawang daliri ko sa bunganga ng lalaking naghihikab. Halos mapigtas ang bibig nito sa lakas ng paghila ko para lang hindi mahulog sa jeep. Naihakbang ko na ang isa ko pang paa papasok at nakakuha na ako ng balance nang bigla namang pumreno ang jeep ng sobrang lakas. Halos tumalsik ako paunahan ng jeep. Yong tipong sa sobramg lakas kapag bukas ang bintana sa driver ay mauuna pa ako sa jeep. Buti na lang nakakapit pa din ako bunganga ni Kuya.

Okay lang ako. Okay lang talaga ako. Lord, kung ito ang paraan mo para pigilan ako sa desisyon kong pakikipagkita kay Carlos. Sige po payag na po ako pero wag mo naman po akong pilayin! Please!

Rinig na rinig ko pa ang lakas ng tawanan ng mga nasa jeep. Sumubsob ako mula sa pagkakatayo at sumakto ang mukha ko sa pagitan ng legs ni Kuya. Hindi pa ako makatayo dahil parang nabalian yong paa ko. Char. Inaamoy ko lang talaga yong dragon balls ni Kuya. Hihi. In fairness, mabango naman siya.

"Miss, hindi ko pinapahuli yong ibon ko." Sabi ng lalaking sinubsuban ng mukha ko. Iniangat niya pa ang kamay at itinulak ang ulo ko palayo sa hita niya. Aamuyin lang naman! Napakadamot!


Napatingin ako rito. Nakajacket ito ng black na leather at nakasumbrero ito. Ay oh pak! Coco Martin. Nakasalamin ito ng clear glass at medyo magulo ang buhok na nakalabas sa sumbrero. Inikot ko ang loob ng jeep at tanging sa tabi niya lang merong space na pwedeng upuan. Jusko.

Tall, Daks and HandsomeWhere stories live. Discover now