iii

159 16 12
                                    

A few months later, on a hot July day, lumabas ang Architecture Licensure Exam results.

Naglalakad si Jaime pabalik ng office from his coffee run nang makita niya ang tweet ng isang news site tungkol dito.

He stopped walking immediately, nagdadalawang-isip kung isi-search ba niya si Ira sa mga napasa.

Buong araw niyang pinigilan ang sarili na gawin 'yon hanggang sa makalimutan niya.

(Nakalimutan man niyang i-search ang resulta, pero si Ira, nasa panaginip pa rin niya gabi-gabi.)


–––


Kapag malungkot at stressed sa trabaho si Jaime, pumupunta siya sa supermarket at nag-iikot-ikot.

Tama nga si Ira, napaka-therapeutic nga na magpalaboy-laboy sa loob ng malaking supermarket kahit wala kang binibili. Natatabunan ng ingay ng mga mamimili at dami ng mga paninda ang mga problema niya.

(Minsan, ginagawa niya ito hoping na makasalubong niya si Ira sa isang random aisle sa supermarket. Walang ganoong nangyari sa limang buwan niyang paggawa nito.)

Minsan, kapag super stressed, napapabili siya ng lagpas sa budget niya. Kaya na niyang bayaran 'yon ngayon, dahil sa wakas, nakuha na niya ang pinakainaasam niya.

Isa na siyang Associate Editor sa dream magazine niya.

Ang laki na ng pinagbago ng buhay niya ever since that fateful May night. Oo, namimiss pa rin niya si Ira paminsan-minsan. Hinahanap-hanap niya ang tawa at boses nito sa mga panahong malungkot siya, pero natuto na siyang makuntento. 'Yon naman talaga ng point ng pagkakakilala nila, eh. They were there that night to teach each other lessons that would last them for a lifetime.

Everyone you meet, you meet them for a reason.

Bitbit pa rin niya ang lahat ng mga natutunan niya kay Ira. He's like this invisible tattoo on his skin. He has marked Jaime forever.

Walang makakahigit pa sa kanya.


–––


On this particular November night, desidido si Jaime na maglustay ng pera sa groceries. No cap sa budget. Kailangan niyang mag-unwind from a stressful work day. Since marami siyang oras ngayong gabi, nagdecide siyang bumili ng panghanda sa Noche Buena na ipapadala niya sa nanay niya sa Laguna.

Nasa canned good aisle siya nang may marinig siyang isang familiar na boses.

"Ay nako ang gulo! Alin ba dito 'yung bibilhin ko?"

Jaime froze.

Kilala niya ang boses na 'yon.

Ilang buwan din niyang pinangalagaan ang alala ng boses na 'yon. Hindi siya nagpatalo sa distansiya, sa oras, at sa pangungulila na bumalot sa kanya sa nakalipas na anim na buwan. The memory of his voice was one of Jaime's prized possessions from that night they've shared together.

Hindi madaling makalimutan. Ayaw niyang makalimutan.

But senses and memories are something, though. The moment he heard it, Jaime just knew.

Makikilala niya ang boses ni Ira kahit saan, kahit kailan.

At nasa kabilang aisle lang siya ngayon.

Usong ang dalang cart, kumaripas ng takbo si Jaime papunta sa kabilang aisle–na aisle pala ng pasta noodles at sauce. Magkahalong kaba, excitement, takot..basta lahat ng emosyon ata umaagos na sa buong katawan dahil sa boses ni Ira. Ang dami niyang gustong sabihin kay Ira, mga bagay na naipon habang magkahiwalay sila.

Atin Ang GabiWhere stories live. Discover now