i

1.5K 64 34
                                    

Jaime should've known na hindi na siya sisiputin ni Robbie the moment na tumigil ito sa pagre-reply sa text messages niya five hours ago.

Let's be real, noong una pa lang ay alam na niya na sa ganito matatapos ang relasyon nila ni Robbie. May disclaimer na ang lalaki since Day 1, eh. Siya lang itong in denial the whole time.

I'm not looking for anything serious right now, Jay. I want something fun...and you seem fun. Is that alright with you?

Bilang matagal nang tigang ang love life at sex life niya noong nagkakilala sila ni Robbie six months ago, pumayag si Jaime. Iyon din naman ang hanap niya. Casual. Fun. Pang-kamot ng kati, panandaliang pampawi ng lungkot at pagod. Distraction sa nakakabaliw na trabaho...basta lahat ng perks sa isang normal relationship, minus the commitment part.

Willing si Robbie. Eager siya. A match made in casual and fun heaven talaga.

Eh kaso...ayun, inatake na naman siya ng sakit niya sa ganitong setup. Masyado siyang natuwa. Nasobrahan sa kilig. Nagpakalunod sa atensyon.

Ayun, nahulog tuloy.

"Tangina mo, Robbie Ng," usal niya after checking his phone for the nth time that hour. Wala pa ring text ang gago. Hindi rin online sa Messenger at Telegram. Out of reach ang phone.

Napalunok na lang si Jaime at pinag-initan ang platito ng complimentary kropek sa table niya. Hindi siya kumakain ng kropek pero sa sobrang inis niya, why the fuck not, right? Sunud-sunod niyang pinasok ang piraso ng pagkain sa bibig at tsaka lang ngumuya nang hindi na niya maisara nang maayos ang bibig. The crunching sound hurt his ears, but that didn't compare to the searing pain inside his chest.

Ayaw niyang tanggapin. Nope, hindi ito totoo.

Robbie Ng didn't just ghost him.

Pota, baligtad dapat eh. Si Jaime ang serial ghoster sa kanila, dapat siya ang nauna. Hindi niya matanggap na natalo siya sa larong praktisado na niya ng ilang taon.

He was never the ghostee. Si Jaime Noriega, igo-ghost mo? The nerve!

Wala, ito na ang katotohanan eh. The tables have turned. Karma bit a huge chunk of his ass.

Si Robbie pa talaga ang nauna. Tangina lang talaga.

Dahan-dahan niyang nilunok ang kropek at sinundan ng isang lagok ng San Mig light na panulak. Napangiwi siya after, mainit at flat na ang beer niya sa kakahintay sa lalaking hindi naman pala darating. He was painfully aware of the fact, yet he kept stealing glances sa entrance ng bar hoping na may lalaking naka-all black at beanie na papasok, all smiles sa kanya, at hihingi ng sorry.

What if late lang talaga siya? Maybe preparing a surprise for me?

Come on, Jay. Stop it. He's not coming. Umuwi ka na.

"Ano ba mukha kang tanga!" bulong niya ulit sabay tapik sa mga pisngi niya. Tumingala rin siya saglit in a lame attempt to stop tears from falling.

Angry tears ito ha, hindi hurt tears. Mamaya pa siguro 'yon pag tuluyan nang nagsink in sa kanya ang lahat.

Ang bilis naman niya ata sa Five Stages of Grief. Come to think of it, nasa denial stage na siya for the past three months, at ngayon, as in ngayon, nasa anger na siya.

Hindi na niya siguro maaabutan ang bargaining stage. Paano ka nga naman magba-bargain kapag na-ghost ka? Dapat pala humingi siya ng tips sa mga ghinost niya noon.

Sayang, ang cute pa naman niya tonight. Pinaghandaan niya ang outfit niya sa date na ito-lahat bago: cream sweater, jeans na nagco-compliment sa legs niya, at sneakers. Oo, naka-sweater ang Jaime Noriega on a humid May night sa loob ng masikip at maingay na bar na ito. Pang-yes magkaka-jowa na ako! outfit sana ito, 'di puta na-ghost ba ako fashion.

Atin Ang GabiWhere stories live. Discover now