ii

247 15 3
                                    

"You're kidding, right?"

May naramdamang kaunting kirot si Jaime nang may namuong malungkot na ngiti sa labi Ira. "Yup. Walang halong biro. Tanga, 'di ba?"

Walang mai-react o ma-joke si Jaime sa revelation na 'yon. He just stared at Ira kasi, shet, hindi siya makapaniwala. Okay, hindi niya akalain na ganyan ka-seryoso ang entry ng lalaki. Akala niya siya ang tipo na maghihintay sa labas ng bahay ng ex, or gagawa ng thesis...the normal, basic tanga stuff.

Speechless na naman siya.

"Grabe, 'di ko ma-imagine sorry." He let out a long breath. "Seven years kayo ta–? Tanga ka nga."

"Sabi na sa 'yo, eh. Matatalo kita rito," Ira joked.

"Ikaw na talaga putangina. Fuck, seven years!" Jaime shook his head in disbelief. Hindi niya ma-imagine na makakatagal siya sa ganoong sitwasyon. Break na agad kapag hindi na niya mahal. "The sex must've been that good kaya ka nakatagal ano?"

Tumahimik si Ira, looking anywhere but him.

"Oh, come on, Ira. Please tell me the sex had been at least good. Or else maaawa talaga ako sa 'yo."

"Well...yeah. Doon bumawi, I guess."

"Ah 'yon naman pala! At least you got some good dicking from it! Yan ang gusto natin, may na-ti-take, 'di lang puro give!"

Isang malakas na tawa na lang ang naisagot ni Ira.

Tinantiya muna ni Jaime ang reaksyon ni Ira bago siya nagtanong. "First boyfriend mo? Or may naging girlfriend ka?"

"First and only relationship ko siya."

"Okay, you've got to be kidding now." Napatayo tuloy si Jaime mula sa kinauupuan niya, nakangaga. "Sa hot mong 'yan isa pa lang naging jowa mo!? I don't believe you."

That was a lie. He was sure of it. Imposible na isa lang ang naging jowa nitong si Not-An-Architect-Yet Ira!

"Aba, hot ako? Kala ko ba hindi mo ako type?" the drummer replied, grinning.

"I-acknowledge ko lang na hot ka. Di ako bulag. Feeling much."

"Pikon."

"Ulol." Pabiro niyang tinulak si Ira. "High school sweethearts kayo?"

"Childhood friends, actually. Magkakaibigan ang parents namin since college kaya naging close kami. He took all of my firsts. Siya rin ang sexual awakening ko," h chuckled to himself. "Siguro siya ang malaking factor kaya madali akong natanggap ng parents ko nung nag-come out ako sa kanila. It's Monchie, after all. They knew him since we were babies, so okay lang sa kanila na magka-boyfriend ako."

"Oh shit. Must've been hard noong nagbreak kayo, ano? Involved pala families niyo."

"Sinabi mo pa. Hindi lang kami ang nagbreak, pati mga pamilya namin. Until now hindi pa rin ata ayos sina Mama at Tita." Ira flashed a sad smile, at kumirot na naman ang puso ni Jaime. "Isang advice from a pro-tanga to another: wag jojowain ang childhood friend, lalo na pag close ang mga pamilya niyo."

"Noted po, master."

"Loko ka talaga."

"Teka, sumasakit lalo ulo ko sa katangahan mo. Not gonna lie, I now feel better knowing na may mas tatanga pa pala kesa sa 'kin! But I have sooo many questions! Puta ka, minahal mo ba siya? Kung hindi mo na pala siya mahal, e ba't pinatagal mo pa ng three years bago ka nakipagbreak!? Aaahhhh!"

Jaime pulled his hair out of frustration. Gets na niya ang feeling ni Syd kapag nagra-rant siya about his failed relationships. Nakakabaliw pala talagang pakinggan ang katangahan ng iba.

Atin Ang GabiWhere stories live. Discover now