Chapter 5

30 1 1
                                    

Reyna

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang kausapin si amang hari kung maaari ulit akong lumabas, hehehe. Ang balak ko talaga ay lumabas ng palasyo pero hindi ko sasabihin kay ama ang balak ko. 

Syempre hindi nya ko papayagang lumabas lalo na kung sasabihin kong sa labas ng kaharian diba? 

Pinakain muna ako ni Mina at pinagbihis bago ako tumakbo papunta sa kwarto ni ama at ina. Pilit pa nga akong pinag sasabihan ni Mina na huwag tumakbo dahil mahina pa ako. Pero hindi ko naman nararamdamang nanghihina ako, siguro'y dahil excited ako. 

"AMA!" Tinawag ko si ama ng makita ko itong papalabas ng kwarto kasunod si Ina. 

"Huwag kang tumakbo aking prinsesa." mahinahong saad naman ni ina

Napakamot na lang ako sa ulo. "Ama, maaari po ba ulit akong lumabas ngayon?" tanong ko sa dalawa

"Hmm, maaari naman anak ngunit huwag na huwag kang lalabas ng tarangkahan ng kaharian, maliwanag ba?" tanong nito

Tumango naman ako dito at malawak na ngumiti. "Ngunit pasasamahin ko ulit ang dalawang kawal na nag bantay sa iyo." sabi pa nito, hindi naman ako tumanggi at tumango na lang. 

Tatakas ako hehehe.

"Tara na Mina." 

Dali dali naman akong lumabas at sinalubong naman ako ng dalawang kawal. Mamaya ko na lang iisipin kung paano ko sila tatakasan. Sa ngayon ay iisipin ko muna kung sino ang maaari kong imungkahi kay ama upang mag manage ng business namin. 

Hindi naman pwedeng si Mina, dahil kailangan ko sya lagi sa tabi ko. 

Hindi din naman pwedeng si Ina kase may sarili din syang gampanin bilang isang reyna.

At mas lalo namang hindi ako tsk.

Hmm.. Siguro kailangan kong mag hanap ng isang tao na mapagkakatiwalaan at may alam sa mga halaman. 

Pero sa ngayon kailangan kong lumabas ng palasyo upang mag hanap ng sangkap sa pag gawa ng papel. I can use the papyrus method in egypt. 

But I need to explore the outside of this palace. 

Tumingin ako sa dalawang kawal na nakasunod sakin at kay Mina. Tumingin din naman sila saakin pero ngumiti lang ako na parang walang gagawing masama. Hehehe

"Mahal na prinsesa saan mo gustong pumunta ngayon? Gusto mo bang mag libot sa palasyo o sa hardin ulit?" saad ni Mina

"Hindi pa ako nakakapag desisyon Mina pero pumunta muna tayo sa hardin, gusto kong lumanghap ng sariwang hangin doon." palusot 

"Masusunod po." 

"Ah, Nueve, Siyete, maaari ba kayong kumuha ng maiinom sa kusina para sa mga trabahador sa hardin, sumama ka na din Mina, tulungan mo sila. Gusto kong bigyan sila ng maiinom dahil medyo mainit ang panahon ngayong araw." saad ko naman sa mga ito

Nag dadalawang isip pa sila bago tumango sa sinabi ko at ngumiti naman ako ng malawak. 

Madali naman pala silang kausap hehehehe.

Ngayon, saan ba ang daan papunta sa tarangkahan?

Nag lakad ako ng nag lakad sa kung saang pasikot sikot, dapat pala tinong ko muna si Mina, hays.

Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa may makita akong malaking gate. Woah, this is huge and it's close. 

Tumingin naman ako sa gilid at agad nag liwanag ang mata ko ng makitang bukas ang maliit na pinto doon. 

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 01 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Una Familia: The Cursed PrincessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz