Chapter 4

20 1 2
                                    


Reinah/Reyna Halia

Kumalas ako sa yakap at nginitian si Mina. 

"Halika na Mina, gusto ko ng makita ang mga halaman." saad ko 

"S-sige po." mahinang sagot nito sa akin na para bang nahihiya

"Bakit tulala pa kayong dalawa diyan, halina na nga kayo." sabi ko naman kay Nueve at Siyete

"M-masusunod po mahal na prinsesa." saad naman ni Nueve ng may pag aalinlangan

Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang babaeng nag yayakapan? Weird ah.

Habang nag lilibot ay marami akong nakitang mga halaman na pwede kong gawing herbal pero kase may isa akong gustong imbentohin. 

Medyo magaspang kase ang buhok ko, hindi kase gumagamit ng shampoo ang mga tao dito. Tubig lang ang panligo ni wala man lang sabon, basta kuskos ayos na. Tsk. No no no. I don't like this. Napakamot naman ako sa ulo ko, tsk ang kati naman. 

Shampoo, I need shampoo!!!

Habang nag lalakad ay natakid naman ako sa nakaharang na avocado sa daan. Ano ba naman ginagawa ng avocado dito? Pinulot ko ito at tiningnan ng maayos. 

"Mahal na prinsesa, ayos lang ba kayo?" tanong ni  Mina.

"Ah, oo Mina. Bakit may avocado dito? Madami din bang tanim na prutas dito?" tanong ko naman

"Ano pong avocado? Hindi po yan avocado na sinasabi nyo mahal na prinsesa. Ang tawag po diyan ay islang. Iyan po ang pinagmumulan ng langis para sa pag luluto, makatas po iyan." sabi nito

AHA! HAHAHAHAHA. Lord, you're so bait talaga. Pinag siklop ko ang kamay ko at yumuko pa. 

Makakagawa ako na ako ng shampoo. Gamit itong islang na ito at maglalagay ako ng mga mahahalimuyak na halaman, pag katapos ay mag lagay ng konting asin at may shampoo na. 

Hihihihi.

"Mina, Siyete at Nueve. Kailangan ko ng tulong nyo." saad ko

"Ano pong tulong mahal na prinsesa?" Tanong  ni Mina at sabay na tango naman ng dalawa.

"Kailangan ko ng maraming islang na ito, kuhanin nyo ung mga sariwa pa. Pagkatapos kailangan ko ng asin. Habang ako ay kukuha naman ng mga halaman na mahahalimuyak." sabi ko sa kanila

"Ano po ang gagawin nyo sa mga iyon prinsesa?" tanong ni Siyete.

"Basta, sige na kailangan ko noon at gusto kong dalhin nyo yun agad...Doon sa malilim na parte nitong hardin." sabi ko sa mga ito

Tumango na lang ang mga ito kahit na nag tataka pa.

"Mahal na prinsesa, hindi ka namin maaraing iwan ng matagal kaya't babalik kami agad, huwag po sana kayong lalayo." saad ni Nueve

Tumango naman ako dito habang namimili na ko ng mga halaman. Hmm, ano alin ba sa dalawang ito ang kukunin ko?

Hawak ko sa kanan ang mahalimuyak na amoy rosas pero hindi naman rosas na halaman, para syang gumamela pero amoy rosas. Dito naman sa kaliwa amoy strawberry pero flower sya, ang weird pero mabango talaga!

Gawan ko na lang pareho hehehehe.

Kaya lang bago ko pa mapitas ay may pumigil sa kamay ko. Napatingin naman ako sa humawak sakin. 

"Iha, huwag mong pitasin iyan gamit lang ang kamay mo. May tinik iyan at baka masugatan ka." Saad sakin ng matandang babae.

"Ah, ganoon po ba. Hindi ko po napansin pasensya na po, nay." sabi ko dito at ngumiti, sinuklian din naman ako ng ngiti ng matanda at inabot saakin ang isang bayong na lalagyan ng halaman at isang tela na pangkuha ng halaman.

Una Familia: The Cursed PrincessWhere stories live. Discover now