Chapter 3

29 1 7
                                    

CLARIFICATION!

Dearies,

I just want to clarify na hindi po katulad ng mga vampire/wolf mates or bond ang pulang sinulid na mag uugnay sa dalawang tao. Hindi po agad agaran iyon na katulad sa mga mag mates, ang pulang sinulid ay nag uugnay lamang kung masusuklian ang pag mamahal ng isang tao o kaya naman ay kung pareho sila ng nararamdaman. ---Taglish

"I just want to clarify that vampire/wolf mates or bond is not the same as the red thread that  will let two people bond together till death, it is not the same as mates or bond in vampires/wolfs that I am talking about in this story, 'kay?  The red thread is not a sudden event or occurrence  that will let them be in love instantly, love takes time and if two people has the same feelings towards each other or if your love one will reciprocate your feelings that's the only way that the red threads will connect and your bond will grow." ---English 


Reinah/Reyna Halia

Nakalipas ang isang linggo pero hanggang ngayon ay nandito pa din ako aking silid. Nakakalakad na ako ng maayos ngunit mabilis akong mapagod. 

I'm getting bored and I want to go outside badly. Ni hindi ako naaarawan dahil laging sarado ang buong silid ko. 

Naibalita na ni amang hari ang pag gising ko sa buong kaharian at sa susunod na kabilugan daw ng buwan nya ako ipapakilala sa buong maharlika.

Nakatitig lang ako sa kawalan ng bumukas ang pinto, hindi na ako nag abalang tingnan kung sino iyon dahil alam kong si Mina iyo at dala ang agahan ko.

"Mahal na prinsesa bumangon na po kayo sa inyong higaan, may maganda po akong balita!" Napantig naman ang tenga ko sa narinig kaya bigla akong bumangon. At tiningnan siya na puno ng pagkainteresado. 

"Narinig ko pong nag uusap ang mahal na hari at ang punong babaylan na maaari daw po kayong lumabas saglit at mag paaraw maaari din daw po kayong mag libot dito sa kaharian ngunit hindi ka maaaring lumabas ng tarangkahan. Mukang tapos na ang iyong pagkainip mahal na prinsesa---ay Halia pala." Napangiti naman ako sa kanyang sinabi at sinimulan ng kainin ang dalang agahan sa akin ni Mina. 

"Mabuti na lang, kase bored na bored na ko dito sa silid." saad ko

"Ayan na naman po ang mga salitang hindi ko maintindihan Prinsesa Halia." 

"Mina, maniniwala ka ba kung sasabihin kong sa loob ng labing apat na taong nakahimlay ako ay nabubuhay ako sa ibang mundo kung saan kakaiba rito." saad ko dito

Nagtataka naman itong tumingin sa akin.

"Huwag mo ng bigyan ng pansin ang sinabi ko, kalimutan mo na lang." 

"Mahal na prinsesa baka naman panaginip lang iyon. Alam nyo po ba may katulad kayo ng sitwasyon dito sa kaharian ngunit sya ay nagising agad hindi katulad nyo na inabot ng taon. Ang sabi nila isa daw iyong binata na naninirahan sa kanluran matapos tumama ng kanyang ulo sa bato ay nahimlay din ito ng halos siyam na buwan. At ang kwento ng binata ay sa siyam na buwan na iyon para siyang nanaginip lang na ang akala nya ay hindi siya nahimlay." -Mina

Tumango lang ako sa sinabi nito.

Matapos kong kumain ay saktong bumukas ang pinto at pumasok si amang hari pati na ang punong babaylan.

"Mahal kong prinsesa, napag usapan namin na maaari kang lumabas saglit ngunit hindi ka maaaring lumampas sa tarangkahan. Mag tatalaga ako ng dalawang kawal upang bantayan ka at gusto kong isama mo si Mina upang matutukan ang iyong mga pangangailangan." Saad nito sakin 

"Maraming salamat amang hari, isang linggo na po akong naiinip dito sa silid. Sa wakas ay makakalabas na rin ako!" Tuwang tuwa kong saad na nakapagpatawa sa punong babaylan.

Una Familia: The Cursed PrincessWhere stories live. Discover now