Giddy

5.5K 455 46
                                    

Chapter Seventeen

AS much as possible, Meredith wants to remain low key. Kung hindi rin lang kailangan ay hindi siya masyadong nagre-recite. Although pagdating sa quizzes ay mataas ang nakukuha niya. Pero aminado siya na hindi masyadong nag-e-excel sa Math. Pasang-awa lang siya lagi.

Dismayado niyang isinilid sa bag ang mga gamit.

"You tricked me."

Marahang napahinga nang malalim si Meredith pagkarinig sa boses ni Nick. Ilang araw na niya itong iniiwasan dahil napakakulit. Pero dahil nga blockmates sila maliit ang mundo para sa kanilang dalawa.

"What do you mean?" pa-inosenteng tanong niya sa lalaki nang harapin ito.

"Mali 'yong number na ibinigay mo sa akin."

"Oh, really? Matagal na kasi akong walang cellphone. Sa Lola ko actually 'yong number na ibinigay ko sa'yo dahil 'yon ang contact number na ginagamit ko sa mga prof natin. I might have mistyped the numbers. Hindi ko kasi memorize."

"Sa Lola mo ang number?" tila dismasyadong tanong ni Nick.

"Oo. Medyo strict kasi si Lola. Let me retype the number na lang kung gusto mo."

"Never mind," mabilis na sagot nito. "But you're using an iPad."

"It's a WiFi only model." Totoo naman 'yon. Ayaw niya kasing nadi-distract sa mga unwanted messages kapag nagbabasa siya ng mga notes o di kaya ay nagsusulat.

"Jeez."

"Marami tayong blockmates na magaganda. Sila na lang ang i-pursue mo, okay? Because honestly, ayaw ko ng distraction," prangkang sabi niya rito.

"But I like you."

"Sorry," sagot niya at tinalikuran na ito.

Hindi na niya hinintay pang makasunod ito. Baka kasi matarayan niya ito nang wala sa oras. Hangga't maaari ay iniiwasan niyang mapagsupladahan ito nang harapan at baka mapahiya naman. Ayaw niyang gawin iyon at baka sa halip na tigilan siya nito ay lalo pa siyang kulitin at bastusin. Sa tingin pa naman niya ay hindi sanay si Nick Salvacion ng tinatanggihan. Ito ang tipo ng lalaki na mas malaki pa ang ego kaysa nasa pagitan ng dalawang hita.

Dumiretso siya ng canteen. May baon siyang Skyflakes kaya buko shake na lang ang binili niya. Naghahanap siya ng medyo pribadong lugar na puwedeng mapuwestuhan habang naghihintay ng susunod niyang klase nang isang babae ang muntik ng bumangga sa kanya. Muntik na kung hindi siya nahaklit ng kung sino sa bewang at nailayo sa disgrasya. Tumapon ang fruit shake at lumigwak sa sahig.

"Fucking bitch!" malakas na tungayaw ng babae. "Are you fucking blind?!"

Nang lingunin ni Meredith ang nagtutungayaw sa galit na babae ay nakita niyang natapunan ng shake ang puting pang-itaas nito.

"Ikaw ang hindi tumitingin sa dinaraanan mo kaya huwag kang umastang biktima," sagot ng isang tinig na pamilyar na sa kanya.

"Vengeance," saka lang niya napansin na nasa bewang niya pa ang isang kamay nito.

Kung ganoon ay ito ang nagligtas sa kanya.

"You," galit na pinukol ng babae ng tingin si Vengeance. "Don't you know who I am?"

"I don't give a fucking fuck even if you are the daughter of some fucking dignitaries," malamig pa sa yelong sagot dito ni Vengeance.

Tila lalong napahumindig sa galit ang babae. Dalawang lalaki ang lumapit dito. Ang isa'y bahagyang yumukod kay Vengeance at ang isa naman ay binulungan ang mataray na babae.

Bahagyang lumambot ang ekspresyon niyon.

"Pero kasalanan nila kung bakit natapon ang strawberry shake ko. And look, namantsahan na ang favorite blouse ko."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon