Hey, Jealousy

9.2K 510 61
                                    

Chapter Six

TANGHALI na ngunit hindi halos maiangat ni Meredith ang sarili mula sa kama. Nanlalambot ang bawat himaymay ng mga kalamnan niya. At may palagay siyang kung pipilitin niyang tumayo ay hindi magagawang suportahan ng mga binti ang katawan. 

She pushed herself up from the bed. Ngunit agad na nanginig ang mga braso niya at napabalik siya sa pagkakadapa.

"Fucking fuck," she hissed.

Ang lalaking responsable sa panlalambot niya ay hindi na niya nagisnan. Well, he's an early riser. Pero pagkatapos ng lahat ng activity nila magdamag kataka-takang may lakas pa ito. Ganoong hindi lang yata isandaang push-up at sit ups ang ginawa nito. Sumisilip na ang araw ay pinuputukan pa siya ng tinamaan ng magaling.

Magaling naman talaga, katwiran ng isang parte ng utak niya.

Performance wise, wala siyang mairereklamo sa husay nito sa kama. Iyon nga lang, lupaypay talaga siya pagkatapos. Iyon ba namang ilang multiple orgasms na ibinigay nito sa kanya, magrereklamo pa siya? At siguro nga'y gumagamit ito ng ginseng na dinig niya ay nagpapalakas nang husto sa stamina ng mga lalaki sa kama. Pero bata pa naman ang asawa niya. Nasa kasibulan pa lang, wika nga. Kaya with or without ginseng halimaw talaga itong makipaglampungan sa kama. 

He's a boss, after all. A mob boss, anang utak niya.

Nagpupumilit pa rin siyang bumangon nang bumukas ang pinto ng silid. Napasukan siya ni Vengeance na parang bata na nagpupumilit bumangon mula sa pagkakadapa sa kama.

"'Need help?" 

Napasimangot si Meredith. Kita na ngang hindi halos siya makakilos ay magtatanong pa.

"Be a responsible husband. Help me up and carry me to the bathroom," nakasimangot na sabi niya rito.

He came to her and gently scooped her up from the bed. Humulagpos ang kumot na tumatakip sa kahubaran niya. His eyes automatically surveyed her body. Tila balewala lang naman iyon sa kanya. Ano pa naman ang itatago niya? Nahipo at natikman na nito ang bawat sulok ng katawan niya. Baka nga maski kaliit-liitang nunal sa katawan niya ay alam nito kung saan makikita. Ultimong tagong parte ng singit niya ay nasalat at nadilaan na rin nito. Kaya anong silbi pang magpaka-modest.

"Wagas kang makatitig. Magdamag mo na ngang hinipo at tinikman parang hindi ka pa rin kuntento."

"You're like a drug. The more I taste you, the more I get addicted to you."

"Ano ang palagay mo sa akin, shabu?"

"Mas malala pa sa shabu, cocaine, at heroin."

"Aba, baka naman masama ka na sa matokhang n'yan. Mababalo na naman ako nang wala sa oras."

"I bet you'd love that."

Natigilan si Meredith sa sagot nito. Hanggang sa mailapag siya nito sa loob ng banyo ay wala siyang naapuhap na isagot dito.

"I should have run you a bath first," ani Vengeance.

"Nah, it's okay. I'll manage."

"Magpapahanda na ako ng lunch."

Tumango siya. Noon lang nagparamdam ng gutom ang sikmura niya.

Paglabas ni Vengeance ay itinapat ni Meredith ang isang kamay sa shower. Binuksan niya nang mahina ang shower valve at tinimpla ang mainit-init na tubig bago tumapat doon.

"I bet you'd love that." Parang nag-i-echo sa utak niya ang sinabi ni Vengeance. Matutuwa nga ba siya kapag may nangyaring masama rito?

Tila sagot sa tanong niya ang kirot na biglang sumigid sa tapat ng kanyang puso.  

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now