Chapter 44

25.4K 943 303
                                    

Kira's POV

Kasalukuyan kami ay nasa labas ng palasyo ng kaharian ng mga Moon Warriors. Ang bilis ng mga pangyayari, parang kailan lang na humihiling ako habang nakatingin sa buwan na sana balang araw makilala ko man lang ang mga magulang ko at ngayon nasa harapan ko na.

Marami ako gusto malaman. Kahit gusto ko isantabi ang galit at tampo na nararamdaman ko sa kanila, hindi ko pa rin mapigilan. Sana maging maganda at maayos ang usapan namin ngayon. Napatingin naman ako kay Tyler at Bea na nag tatawanan sa aking tabi.

Napangiti ako ng palihim na makita si Tyler na tumatawa ngayon. Masaya ako para kay Tyler at Rachel, kahit may pinagdadaanan sila ngayon hindi pa rin sila sumusuko sa kanilang relasyon.

Napawi ang aking ngiti nang maalala si Ace, ganon rin siguro kami kung hindi siya ang una sumuko at ang unang tumalikod sa relasyon na meron kami. Umiling na lang ako at nag buntong hininga. Ayoko sirain ang araw na ito dahil sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?" tanong bigla ni Tita Wendy saakin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Kung hindi ka pa handa na makita sila, maaari na tayo umalis ngayon din." seryosong sabi niya. Umiling ako agad.

"Ayos lang po talaga ako. May mga bagay din ako gusto itanong sa kanila at malaman." sabi ko. Tumango na lang siya at tinawag ang mga kaibigan ko.

Naramdaman ko ang pag lapit ni Bea sa aking tabi. Kinabig niya ang balikat ko kaya nagtataka ako tumingin sa kaniya.

"Ang taray, may magarang palasyo... marami rin siguro pera eh no?" bulong niya saakin kaya natawa ako at umiling na lang dahil sa kalokohan niya.

"Nay, sino po sila?

"Mga bisita ng Reyna at Hari iyan, anak."

Napalingon ako sa aking likuran. Hindi ko napansin na marami ang nanonood sa amin. Nagulat ako na makita ang isang batang lalaki na nakatulala saakin, asul ang mga mata nito tulad ng akin.

Halos lahat sila ay asul ang mga mata na nakatingin saakin kaya tumaas ang balihibo ko.

"Ang ganda niyo po..." wala sa sarili na sabi ng batang lalaki saakin kaya napangiti ako.

"Malabo na ata ang mga mata mo bata, halika mag patingin tayo--" sinamaan ko ng tingin si Tyler kaya natawa ito. Umirap na lang ako at lumapit sa bata.

"Salamat! ang cute mo naman, ano nga pala pangalan mo?" tanong ko. Nagulat siya na bigla ako nag salita. Tila ngayon niya lang napagtanto na kinakausap ko siya kaya natawa ako.

"Ethan po!" masigla niyang sagot.

"Then nice to meet you, Ethan. I hope to see you again someday." ngiti ko sabi. Pinisil ko pa ang pisngi nito kaya namula siya at napayuko.

"Princess and Visitors, the King and Queen are expecting to see you in Great hall." lahat kami at napalingon sa sinabi ng lalaki na ngayon ay nakayuko. Nag tinginan kami lahat.

Nag buntong hininga ako. This is it.

"Let's go." maiksing sabi ni Tita Wendy. Sabay kami lahat pumasok sa loob at nahulog ang panga ko na makita ang itsura ng kalooban nito.

White and Blue ang colors na makikita mo sa loob, ang nakakasilaw na sahig, ang mga mamahalin na bagay sa aming gilid, at maging ang mga painting na nakasabit sa pader. Hindi ko namalayan na lumapit na pala ako sa isang malaking painting.

Ang mag asawa ay nakasuot ng pormal na kasuotan. Napansin ko ang katabi ng Hari, isang batang lalaki na seryoso ang mukha at pormal rin ang suot nito. Ang mga mata nito ay asul din pero mas matingkad kaysa sa akin.

The Royal Vampires Academy ✔Where stories live. Discover now