3

6.9K 181 49
                                    

MAYA's POV

"Mukhang mayaman 'yang bagong lipat sa kabilang bahay nak no?" Sabi sa akin ni Mama habang naghahanda ako ng mga gamit sa school. Suot nito ang apron habang nagpi-prito ng itlog at hotdog para sa almusal.


Pinahiran ko ng braso ko ang tumatagaktak kong pawis sa noo at sandaliang itinali ang ilang hibla ng buhok kong nalalaglag sa mukha ko. "Hindi ko alam, Ma. At kung may bagong lipat man dyan. Panigurado mayaman nga yan kasi di ba 5M ang presyo niyang bahay na binibenta dyan sa labas?" Sabi ko na kinuha ang P.E uniform na ipinahiram sa akin ni Seven Inches kahapon.



"Ate, pasuot." Sabi ni Shaun habang bitbit nito ang damit pantaas at shorts. Agad kong isinuot dito ang uniform nito at sinuklay ang buhok.




"Eh kumusta naman ang lakad mo kahapon. Kinumusta mo ba ako kay Declain? Sa susunod na araw magluluto ako ng sinigang at dalhan mo siya ha. Alam kong paborito no'n ang sinigang e." Sabi ni Mama naglalatag na ng pinggan sa mesa. Naalala ko pa noong bata pa kami at yon nga ang laging nirirequest ni Declain kay Mama na iluto kapag tanghalian.



"Ma, wag na kayo umasang si Declain ang makakatuluyan ko. Bakla yon." Wala sa loob kong sabi. Naalala ko pa ang tagpong naganap  sa amin kahapon.



"Paano'ng bakla? E di ba nga liligawan ka na no'n pagkauwi niya dito?" Sabi pa nito na nagpaasim pa lalo ng mukha ko.



Tiningnan ko lang ito. "Pwede ba, Ma? Mag-aaral ba ako o mag-aasawa?"

"Aba dapat praktikal na tayo ngayon. Aanhin mo yang pag-aaral mo kung di ka naman makakapagtrabaho pagkatapos mo dib a? Edi mag-asawa ka na lang ng mayaman para umahon tayo sa kahirapan at pwede ka ding mag-aral na kapag may asawa ka na. Uso na din naman yon ngayon at di ka na mamomroblema sa tuition at allowance mo." Sabi nito habang tinatanggal sa pagkatali ang apron at nilalagyan ng pagkain si Shaun. Una pa lang ay tutol na ito sa pag-aaral ko at mas gusto nitong ipag-audition ako sa kung anu-anong reality show sa tv na hindi naman ako matanggap-tanggap.




"At oo nga pala ano'ng oras ka umuwi kagabi? Lasing ka na naman ah? Ikaw, Maya. Hindi porke pinapayagan kita e aabuso ka na. Paano kapag nabuntis ka? Sa tingin mo ba may manliligaw pa sa'yo. Ikaw mag-isip kang bata ka ha." Dagdag pa nito.




Napabuntong-hininga na lang ako sa pinagsasabi nito. Minsan iniisip ko na lang kung ano ba talaga ang tingin nito sa akin e. "Alis na ako." Sabi ko sabay buhat ng bag at sandamakmak na libro.

"Aba at di ka kakain?"



"Busog po ako." Maikling sagot ko rito kahit ang totoo ay nagugutom ako. Sino ba naman ang gaganahan sa mga sermon nitong walang katuturan.



"Kuya, Savir University po." Sabi ko sa taxi na biglang pumara sa labas ng bahay namin pagkalabas ko. Binuksan ko ang pinto habang kinukuha ang mga librong saglit kong inilapag sa upuan sa labas ng gate namin.



"Thank you." Sabi ng lalaking biglang pumasok sa loob at biglang hinila ang pinto pasara ng malakas dahilan para masungalngal ang mukha ko sa salamin.



Aba'y gago to ah? Wag ngayon ha. Mainit ulo ko. Kinatok ko ang salamin ng taxi at ibinaba naman nito ang bintana.



Seven Inches And A Half (On-Hold)Where stories live. Discover now