1

16.9K 421 186
                                    

WARNING:
This is a trashy story.

Maya's POV

Hay inaantok talaga ako dito sa Philippine History na subject. Ewan ko ba at wala akong kapaki-pakialam sa nangyari noong unang panahon. Sabi nila history repeats itself kaya naniniwala akong noong binaril si Rizal noong elementary kapag binasa mo sa college book mo ay binaril pa din ito. Paulit-ulit lang. Parang yong niloko ka niya. Nag-sorry siya. Tapos kayo ulit. Tapos niloko ka ulit. Parang ganun. Paulit-ulit lang.

Pero naisip ko lang si Rizal kasi nagpatira para sa bayan pero yong iba nagpatira kasi trip lang tapos ayon nabuntis. Ewan ko ba at hindi ako nag-ienjoy basahin ni isang topic sa librong ito. Wala namang hot guys doon sa libro.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko at agad binuksan ang data para maka-connect sa internet. Imi-message  ko na lang ang bestfriend kong si Dessa dahil wala na akong balita sa babaitang iyon simula ng lumipat kami ng bahay dito sa Laguna. Ganon din si Alexandra na ni hindi ko makausap ng matino simula ng magkaboyfriend.


Tamang-tama at naabutan ko pa itong online. Kakausapin ko na lang muna siya habang hinihintay kong matapos ang klase dito sa teacher kong nakakaantok magsalita. Ewan ko ba at parang wala lang sa kanya na kahit nagsasalita siya ay kung anu-ano rin ang ginagawa ng mga estudyante niya. Merong nagbabatuhan ng papel. May nagsusulat ng assignment sa Algebra. Meron ding konting dumudukot ng tsitsirya at sumisipsip ng softdrinks habang nagkukunwaring nakikinig sa kanya. Habang dito sa likod ay nagsama-sama ang mga nanunuod ng porn, Kdrama, nagbabasa ng wattpad at nagti-tsimisan kong kaklase. Uso din dito ang isang estudyante na bawal upuan ang mga bakanteng upuang nasa tabi niya dahil nakaresrve na yon para sa mga tropa niya. Nakakaloka nga sa eskwelahang ito at parang laging Halloween. Yong sampo lang ang pumasok pero madaming nakasulat sa attendance sheet ang malala pa may pirma. Napapaisip tuloy ako kung totoo ang multo sa school na ito.


Siguro nagtataka kayo bakit wala akong kausap dito sa classroom? Kasi nag-shift ako ng course at second semester na ng taon dahilan na din ng paglipat namin ng bahay dito sa Laguna.  At second day na namin ngayon pero wala pa ding nangangahas na kausapin ako dahil mga rich kid ang tao dito sa pinasukan kong school. Titingnan lang nila ako mula ulo hanggang paa tapos magbubulungan at magtatawanan. Ewan ko ba? Wala naman akong sakit o ano. Hindi naman ako sungki, may kuto o di kaya ay mabaho ang hininga.

"Uy bes? Musta na?" Chat ko kay Dessa.

Seen.

Wow talaga tong babaeng ito. Hindi ko alam kung busy ba o sira na naman ang cellphone. Tsk. Wala yatang balak mag-reply ang babaeng yon e. Kapikon. Sarap i-unfriend.

Scroll. Scroll. Wala akong kakilalang pwedeng makausap dito sa Facebook e. Parang tanga na akong naghihikab na pilit nakikinig sa teacher namin. Ilang beses ko na din ini-imagine na biglang may papasok na villain sa classroom at darating si Superman tapos ililigtas niya kami. Pero ako ay mahihimatay at kailangan niya akong i-CPR. Hays kaloka! May Superman nga kaya sa totoong buhay? Kelan kaya darating yong Superman ng buhay ko? Lord, ang tagal ha! Bored na bored na ako mga Momshie.

    "Nakapag-attendance na ba?" Sabi ng lalaking biglang umupo sa tabi ko.

Ngayon ko lang ito nakita sa loob ng classroom. Sabagay ngayon lang din naman ako pumasok kasi nga first day. Medyo pawis pa ito dahil siguro sa init ng araw sa labas at halatang kakapasok lang ng classroom dahil bitbit pa nito ang shoulder bag. Tinitigan ko itong maigi. Ay bes! Ang hot naman niya! Pwede na siguro to. Sobrang pantay ang ngipin at may kakapalan ang kilay. Hindi ko alam kung purong Pinoy kasi may accent ang pagkakatanong niya sa akin kanina. Tapos nakabukas pa ang dalawang butones ng polo niya at nakikita ko ang butil-butil  ng pawis sa dibdib niya. Koya ako na lang magpupunas niyan. Charot!


Seven Inches And A Half (On-Hold)Where stories live. Discover now