CHAPTER 12- Pick-up line your face

12.5K 218 18
                                    

Yeheeeey!!!! :D ako ay nag- update na naman kahit kunti lang yung nagbabasa. Hahahaha anyway salamat po at napagpasyahan ninyong bisitahin itong aking estorya :)

May chika ako. Yung "She's dating a gangster" magiging movie na daw starring 'kathniel'. Alam ko maraming nagbubunyi ayeeeee!!!!

Sige ako po ay tatahimik na ng kayo ay makapagsimula na. Enjoy po ;)

---------------

Saturday: KRRRROOOOOOOO

Sunday: KRRRROOOOOOOO

Monday: (^_________________^)

Wala lang. Ako ay sadyang happy lang talaga. Monday na naman kasi hehehe.

Anong maganda sa Monday?

Edie syempre dahil may bayad na naman ang araw ko. Ano ba sa akala niyo?

"Elen pwede bang paki print nalang to? Wala pa kasi akong breakfast ehh. Wala pa naman si Sir kaya e'echus muna ako."

"Sige Miss Kiara. Ipe'print ko nalang po pagkatapos na pagkatapos nitong pinapaprint ni Sir."

"Sige gora muna ako Ahh? Baka kasi magwala pa tong mga anakonda ko."

Nagmadali na akong pumunta sa cafeteria. Gutom na kasi talaga ako ehh.

"Ate sinigang po, renelyong bangos, hotdog, corned beef tapos two rice po. Bottled water ho tsaka kape. Pakidagdagan na rin ho ng isang platitong sliced fruits. Tsaka yakult po- for good digestion ;)" ngiting ngiti ako pagkatapos kong umorder. Pakuha na sana ako ng pera ng mapansin ko ang mga nakalinyang nakatingin sakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

Tapos may narinig akong nagsalita.

"Chus! Di ka ba marunong mag'diet? And takaw takaw mo talaga. Tignan mo nga yung iba ohh. Prutas Lang ang almusal." si manyak

"Kung gusto nilang mag'diet edie magpakamatay sila. Tsss mahirap tumaba pero mas mahirap magka'ulcer. Aanhin ko naman ang sweldo ko buwan buwan kung ikamamatay ko lang din." sabi ko saka ko binigay ang pera ko sa cashier.

"Relax. Hindi naman kita pinipilit magdiet eee. Medyo kaseeyy...." pinasadahan pa niya ako ng tingin head to poot.

"....malusog." dugtong niya.

"Excuse me lang po Sir. Sabi ng mga kakilala ko seksi ako noh." tinrace ko pa talaga ang pigura ko mula sa balikat pababa hangang sa maabot ng kamay ko. "Tsaka kaka patawad ko lang sayo ahh? Bat ka na naman nang'aaway?"

"Ma'am ito na po."

"Thank you po." sabi ko saka naglakad patungo sa bakanting lamesa. At umupo ako sa lamesa. Joke lang sa upuan po ako umupo. Ahy anbayan?

"Alis nga!" sabi ko kay Ian. Tumabi kasi siya sakin. At dahil isa siyang presidente. Pinagtitinginan na kami. Tsk.

"Sayo ba to?" I glared at him. Sasagot na sana ako ng may marinig kaming ingay.

"I LOVE YOU!!!" sabi nung ka officemate naming lalaki. Napaisip tuloy ako.

"Bakit ba parang ang dali daling sabihin ng I love you ngayon?" hindi ko namalayang nagsasalita na pala ako.

"Huh?" tanging sagot lamang ni Ian.

"Sasaktan ka din naman nila sa huli. I love you? Pweh!" I bitterly smiled. "Sa una lang yan pero pag naglaon? Asan na ang tinatawag mong love? Dapat kasi bago mo muna paasahin ang isang babae ay sigurado ka ng mapapanagutan mo siya. Hindi yung pag ayaw mo na. Gora at break na kayo. Tsk bat ba naman may na taong mapagsamantala? Kaya nao'over used ang salitang love ehh." litanya ko. Hindi alam na titig na titig na pala sakin si Ian. Parang may iniisip din.

Seducing Mr. PervertWhere stories live. Discover now