CHAPTER 3- Meeting

13.4K 275 4
                                    

"Ikaw?" sabay na sabay pa kami na tila iisang tao lang kami.

FLASHBACK:

Krrrriiing. Krrriing.

"Hellow? tss natutulog yung tao." sabi ko na in a galit way.

"Ahh. Hello po?" Agad kong tinignan ang kung sinong tumatawag.

'Cheska? Pero bat lalaki ang boses? Hindi boses ni Rico yun.'

"Hoy? Anong ginawa mo kay Cheska. Ededemanda kita. Maghintay ka lang at ipapamassacre kita." Wala na. gising na gising na ako.

"Po? Naku po ayoko pa pong mamatay." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Hoy? Magsalita ka? San mo dinala ang kaibigan ko. Nakuu po anong nangyari sa kaibigan ko. Cheska naman ehh. Hoy lalaki?" natatara na ako.

"Hello ma'am?" hindi na lalaki ang nagsasalita. Babae na. Malamang hindi lalaki ehh. Tss MT nga ako.

"Wag na wag niyong sasaktan ang kaibigan ko kung ayaw niyong masagasaan ng spaceship." grrrrrrrrr Nakarinig pa ako ng tawa.

"Ma'am kalma lang po ma'am. Sa Rose club po ito. Lasing na lasing na po kasi ang kaibigan niyo. Kayo po kasi yung huling nakausap niya sa telepono kaya nomero nalang po ninyo ang tinawagan namin. Kung maari lang po ay sunduin niyo na siya. Hindi na po kasi siya halos makalakad."

Seducing Mr. PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon