CHAPTER 23 : Clueless

11.8K 143 43
                                    

CHAPTER 23 : Clueless

Dinala namin si Keitthe sa clinic pagkatapos nun. Tapos sobrang nakakahiya dahil na videohan nanaman kami ni Katthe at president pa siya ng official fanclub namin ni Keitthe.

Di ko na kaya!!!

"Wala namang problema kay Mister Capistrano medyo napalakas lang ang pagbagsak niya kaya may onti siyang sprain sa may arm niya dahil ito yung unang tumama." sabi ni Nurse Len.

Medyo may edad na si Nurse Len kaya parang nanay ko na rin siya. Minsan kaya tumatambay din ako dito sa clinic kahit wala akong sakit.

"Sigurado po kayo? wala po ba siyang sakit sa utak o kung ano?" kailangan kong makasigurado.

Natawa lang siya bigla.

"Ikaw talagang bata ka. Oh ito ilagay mo nalang to sa parteng nananakit para mabawas-bawasan." tapos pinapunta niya ako sa male ward kung saan nakahiga si Keitthe.

"Saan ba masakit?" tinanong ko sakanya kahit medyo naiilang ako sa abs niya.

"Seeing you is like drinking medicine, you're making me feel better." may U.T.I na talaga ako. Ano ba'tong nararamdaman ko?

"Aish! seryoso nga!" pinalo ko siya kasi naiinis ako sa ginagawa niya sakin. Binabaliw talaga ako ni Keitthe.

"Seryoso naman ako sayo ah." umiinit nanaman yung pisngi ko.

"Tigilan mo nga ako Keitthe!!"

"Don't ask me to stop 'cause I will never do that." feeling ko sasabog na'ko. Di ko alam pero parang gusto kong ngumiti kaya pinigilan ko kasi alam kong mali ito.

Lumabas ako ng saglit sa ward niya kasi kailangan ko ng hangin. Feeling ko mawawalan ako ng hangin sa loob eh.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng higaan habang naka ngiti. Ba't parang ang hot niyang tignan? aish!! erase! erase!

"Mas maganda ka pala kapag namumula?" huminga ako ng malalim.

"Shut up Keitthe!!" pinipigilan ko pa rin yung tuluyan kong pagngiti.

"I will never shut up 'cause If do, I will never get the chance to tell you how much I like you Sam." dahil nawalan na ako ng paraan para mapatahimik siya ay ginawa ko na ang huling bagay sa listahan ko.

I kissed him. Oo, ako ang humalik sakanya. May sakit na talaga ako sa puso ang bilis mo namang tumibok!!

Pagkatapos nun ay natulala siya ulit tapos namula.

"Aish! Sam!!" kinumutan niya yung sarili niya kaya bigla naman akong natawa.

"Kala ko ba sanay ka na sa mga ganitong bagay Keitthe?" tawa lang ako ng tawa. First time ko lang kayang makakita ng pervert na mamula at mahiya dahil hinalikan siya.

"Sanay na ako sa iba oo pero bakit pag sayo parang first time ko palagi? You're different Sam. I sound gay aghh!! ikaw lang talaga ang nakakagawa nito sakin."

Natigilan ako.

"Kala mo ikaw lang!! bwisit ka talaga forever!!" pinapalo ko siya habang nasa loob siya ng kumot.

"Aray! Ouch! Stop it Sam!"

"I will never stop Keitthe 'cause if I do, I will never get the chance to hurt you again." ginaya ko yung sinabi niya kanina hanggang sa may matamaan akong matigas.

"Shit Sam!" tumayo siya at tumakbo papunta sa comfort room.

"Mag ingat ka kasi kung wala tayo sa school baka may nagawa na tayo ngayon." sigaw nya.

My Husband is A Pervert?!Where stories live. Discover now