Kabanata 21

181K 2.4K 108
                                    

Dedicated kay @RhenzLalusnia minarathon niya lahat ng stories ko at nandito na siya ngayon sa JFIA *O*. Salamat sa votes & comments! God bless! :) thank you rin sa lahat ng nagcocomments :">





Kabanata 21







"Ano?!!" Tinakpan ni Mateo ang tenga niya. "Teh, may nakakagulat ba sa sinabi ko?" Naiinis na tanong niya saakin. Ibinalik ko sakanya ang contract!







"Ayoko niyan!" Hinding hindi ko kakausapin yung lintik na Tom Andres na yon!







"At bakit naman?! Ano ba teh! Ayaw mo nito? Fifty Thousand a month ang ibibigay sayong sahod ni Mr.Go! Tatanggihan mo ba yon?!!" Hiyaw niya saakin, nanlaki ang mata ko. Fifty thousand a month?! Nabibingi ba ako? "Ano teh? Tatanggihan mo? Kung dati nagtitiyaga ka sa sahod mong Twenty thousand a month, ngayon fifty thousand na! Ghad ang tanga mo na talaga teh kapag tinanggihan mo ito!" Nag-he-hysterical na si Mateo!







Napaisip ako, "Kapag ba napapayag ko na si Tom Andres, ipapasa mo na itong contract?" Tanong ko sakanya, tumango tango siya. "Teka nga, kilala mo ba siya?" Tanong nito saakin, ngumuso ako. "Well, dati siyang manliligaw ng kapatid ko." Sagot ko.







"Winner! Gora na teh! For sure mapipilit mo yon!" Aniya saka inabot ulit saakin ang contract. "Pirmahan mo na!" Excited na sabi niya habang pumapalakpak pa, kinuha ko rin ang ballpen sa kamay niya at pinirmahan ko iyon. "Yey! Simula bukas kailangan mo nang makausap si Tom!"





Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! "Agad agad?!" Reklamo ko! "Oo, agad agad, at sabi ni Mr.Go kapag napapayag mo siya sa loob ng isang linggo, bibigyan ka niya ng another fifty thousand! Ganun kaimportante ang anak niya para sa company natin!" Aniya, nasapo ko ang noo ko. Haay, for the sake of money kailangan kong mapapayag yung Tom Andres na iyon!







Kinabukasan maaga akong nagising kahit na hating gabi na akong natulog, paano ba naman ibinigay saakin ni Mateong bakla lahat ng address ni Tom Andres, ultimo unit nito sa east wood ay nasaakin ang address, pati ang mga address ng business nito at ang hotel na pinagtatrabahuhan nito. Rich kid talaga. Naglalakad na ako papunta sa sasakyan ko nang mag vibrate ang cellphone ko.





From: Drake



Good morning sweetheart, kumain ka ng breakfast ha.

I love you and I mean it.







Nagsimula nanaman ang pamimilipit ng tiyan ko. Nagtype ako para replyan siya.





To: Drake



Good morning. Kain ka rin.





Binuksan ko na ang kotse ko at sumakay na, napasinghap ako ng maamoy ko ang naiwan na amoy ni Drake dito sa kotse ko. Bumalik sa alaala ko yung nangyari kagabi, ghad hanggang ngayon lasing pa rin ako sa halik niya saakin. Mariin kong ipinikit ang mata ko, "Relax Marie.." Bulong ko sa sarili ko at minulat ko na ang mata ko saka pinaharurot ang sasakyan ko. Maya maya pa ay nagring ang cellphone ko, napalundag ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang pangalan ni Drake sa screen, itinabi ko ang sasakyan ko. Ano ba yan, kalalabas ko palang ng parking lot.







"Hello?" Sagot ko sakanya, "Sweetheart, yung date natin mamaya, h'wag mong kakalimutan." Paalala niya, patay may trabaho ako ngayon.





"Ah, Drake may trabaho ako today." Sabi ko sakanya, narinig kong parang nagbukas siya ng gripo pero pinatay niya din kaagad. "Oh? Akala ko ba wala ka ng trabaho?" Pagtataka niya, "Actually, kaya pala nagpunta kahapon si Mateo sa unit ko, para ipaalam saakin na pinapabalik ako ni Mr.Go sa company." Paliwanag ko sakanya, narinig ko ulit ang pagbukas ng gripo at parang may tinataktak siya. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya.







"Ah, nagsha-shave sweetheart.." Aniya at nawala nanaman ang tunog ng gripo, napanganga ako. Naiimagine ko kasi siya na nakatopless habang nagsha-shave tapos nakatingin sa salamin habang naka-earphone at kausap ako, yung matangos niyang ilong, yung labi niyang pinkish na ang sarap kung humalik tapos naalala ko yung itsura ng abs niya. My ghad Marie! "Tapos na ako sweetheart, maliligo na ako. Susunduin nalang kita mamaya." Aniya, "Hep! Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi eh." Sabi ko sakanya, narinig kong huminga siya ng malalim.







"Alright, I'll see you at your condo. Ipagluluto kita." Suhestiyon niya, tumango tango ako na para bang nakikita niya ako. "Wait, wala ka bang pasok bukas?" Tanong ko sakanya, dahil diba sabi niya tuwing wala siyang pasok kinabukasan, sa unit ko siya matutulog. "Wala. Mag ingat ka sa trabaho mo, I love you and I mean it!" Mariin na sabi niya, magsasalita pa sana ako pero nagbusy na sa kabilang linya. Hindi ko na namalayan na nakangiti nanaman ako, parang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko na para bang lahat gustong makaabot sa finish line. Pakiramdam ko lumilipad nanaman ko, sht I hate this feeling pero ang saya saya ko. Napailing nalang ako at mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa Brenz Hotel.







Pumasok ako sa restaurant ng hotel, kaagad akong napangiti nang makita ko si Jade at Jelly doon, mga kaibigan sila ng kapatid ko. Umupo ako sa may pintuan.







"Jade naibigay mo na ba sa accounting yung mga receipts?" Seryosong tanong ni Tom Andres nang pumasok siya, nakatungo siya at parang may binabasa na isang papel. Masyado siyang seryoso sa trabaho niya kaya hindi niya ako kaagad napansin. "Ehem, hi Mr.Santos!" Hiyaw ko, hindi naman ganung kalakas pero sapat na para mapansin ako ni Tom, lumingon siya sa pwesto ko at napakunot ang noo niya nang makita niya ako pero kaagad yon napalitan ng isang ngiti.







Lumapit muna siya kela Jade at ibinigay ang papel na hawak niya tsaka bumalik sa pwesto ko, umupo siya sa harapan ng upuan ko. "What bring you here?" Manghang tanong niya, tumaas ang kilay ko dahil sa tono ng pananalita niya na para bang nagmamalaki siya dahil nandito ako ngayon. "Well may hihilingin sana ako sayo." Sabi ko sakanya, ngumiti siya at napatingin ako sa maputing ngipin niya, humalukipkip siya at kitang kita ko ang pagform ng muscle niya. "Ano namang maipaglilingkod ko sayo? Hindi ba asar na asar ka saakin kahapon?" Pang aasar niya.







"Hindi naman nagbago yun, naaasar pa rin ako sayo. Hindi naman ako pupunta dito kung wala akong kailangan." Pagsusungit ko. "Spill the beans Marie." Aniya, kinuha ko sa bag ko ang isang papel at inilapag ko iyon sa lamesa, napakunot ang noo niya nang mabasa niya ang pangalan ng company naman sa ibabaw ng papel, nakita ko ang pagtiim ng panga niya. Padabog siyang tumayo pero hinila ko ang kamay niya na naging dahilan nang pagtigil niya, sandali niyang pinasadahan ng tingin ang kamay naming dalawa. "Seat down Tom Andres," Hindi nawala ang ngiti ko sa labi, napailing nalang siya at padabog na umupo, muli kong binawi ang kamay ko sakanya.







Pero nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko at pinaglapit niya ang mukha naming dalawa, amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya at ang gamit niyang perfume, "Magkano ang binayad sayo ng gagong yon para sumunod ka sakanya?" Mariin na bulong niya, naramdaman ng mukha ko yung init ng pagbuga ng hininga niya sa mukha ko. Nakipagsukatan ako ng tingin sakanya at hinila ko ang kamay ko saka itinulak ko siya, "Wala pa akong natatanggap, pero kung papayag kang maging CEO siguro makakatanggap ako ng One Hundred Thousand Pesos ngayong buwan na 'to." Mariin na pahayag ko, pinagtaasan niya ako ng kilay.







"Ganun ka kamura? Edi sana binili nalang kita kahapon." Nakangising sabi niya, nag init ang ulo ko at parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko! Tinignan ko siya nang masama pero hindi siya natinag. "How dare you." Matigas na bulong ko, siguro kung wala lang tao dito sa restaurant kanina pa tumaas ang boses ko. "How dare you Marie. Bakit ka nakikialam sa may buhay ng may buhay? At isa pa, bakit hindi mo sinabing mukha ka palang pera? Sa halagang isang daang libo gagawin mo ang gusto niya?" Pagmamatigas niya! "Wal-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya ng sobrang lakas na naging dahilan para marinig ko ang pagsinghap ng mga customers nila dito, tumayo na ako at hinila ko ang papel mula sa lamesa! Isinabit ko na ang bag ko!







Kahit kailan walang sino man ang nagsabi saakin na mukha akong pera, okay fine! Inaamin ko mukha akong pera, sa panahon ngayon hindi ka mabubuhay kung wala ka niyan, hindi ako pinanganak ng may gintong kutsara sa bibig na lahat ng mamahaling bagay sa mundo eh kaya mong mabili, dahil pinalaki ako ng Mama ko na may disiplina sap era at lahat ng meron ako ngayon pinag hirapan ko muna bago ko nakuha. Lumabas na ako ng restaurant pero naramdaman kong hinila niya ang braso ko at hinarap ako sakanya! Nandun pa rin ang bakas ng pagkakasampal ko sa pisngi niya!







"Bitiwan mo ako!!" Sigaw ko at hinila ko ang braso ko! "Sino ka para husgahan ako? You know what? Akala ko iba ka dahil kaibigan ka ng kapatid ko, naniwala ako na lahat ng taong nakapalibot sa kapatid ko mabuti at hindi basta basta nanghuhusga. Ginagawa ko lang ang trabaho ko dito Tom Andres, ngayon kung baliwala lang sayo ang isang daang libo, pwes saakin mayroong halaga yon! Bawat sentimo nun pinahahalagahan ko dahil yon ang bumubuhay saamin ng Mama ko! Ngayon kung ayaw mo talagang tanggapin ang inaalok sayo ni Mr.Go, wala na akong magagawa dun!" Litanya ko, nakipagtitigan siya saakin at napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Tinalikuran ko na siya at lumabas na ako ng hotel, hindi ko akalain na sa ganitong paraan ako mapapasuko sa isang task na ibinigay saakin ni Mr.Go, nakakainis.







Pasakay na sana ako ng kotse ko pero naramdaman ko nanaman ang paghila niya saakin!







"Ano ba?!!" Sigaw ko sakanya! Isang masamang titig ang ibinigay ko sakanya, hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya, at sobrang hindi ko nagustuhan ang sumunod na sinabi niya.







"Alright, tatanggapin ko. Kapalit ng isang dinner date." Seryosong sabi niya, hinila ko pabalik ang braso ko at tinignan ko siya ng masama. "Anong tingin mo saakin? Bayaran? Na kapag gusto mong i-date pe-presyuhan mo? Manigas ka Tom Andres, ang baho ng ugali mo." Pagmamatigas ko sakanya pero napapitlag ako nang hilahin niya ako at siniil ng isang malalim na halik! Marahas ko siyang itinulak at sinampal!







Pinunasan ko ang labi ko at tinignan ko siya ng masama! Sobrang bilis ng paghinga ko dahil sa sobrang galit at inis.







"Ang kapal ng mukha mo." Galit na sabi ko sakanya at tinalikuran ko na siya, pero pinigilan niya ang pagbukas sa pinto ng kotse ko.







"See you tomorrow, dahil ako na ang magiging boss mo."







Hindi ko na siya pinansin pa! Padabog ako sumakay ng kotse ko at mabilis kong pinaharurot iyon, humila ako ng tissue mula sa bag ko at madiin kong pinunasan ang labi ko. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. "Lahat ng bagay mabibili mo gamit ang pera. Pero kahit kailan hinding hindi mo mabibili ng pera ang puso ko." Humihikbing bulong ko sa sarili ko.



***

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon