Kabanata 3

249K 3.4K 90
                                    

 Dedicated sakanya, salamat sa comment! ;) <3 <3




Kabanata 3



Tinignan niya ako ng matagal, yung tipong parang lalamunin na niya ako sa mga titig niya.


"Hahaha! H'wag ka ngang magpatawa jan Drake!" And for the first time tinawag ko siya sa pangalan niya.


"Napaka plastik ng tawa mo. Pati tono ng pananalita mo plastik, psh." Iritadong sabi niya at tumungga ulit ng beer, napataas ang isang kilay ko.


"Wow ha? At marunong kang makinig ng tono sa pagtawa?!"


"Napaghahalataan ka kasi, nagpapanggap kang matigas sa labas, pero sa loob loob mo nasasaktan ka. Iiyak mo yan." Ma-awtoridad na sabi niya, lumunok ako. Sino ba siya para sabihan ako?


"Wala kang alam." Matipid na sabi ko saka tumayo na ako sa pagkakaupo hinila niya ang kamay ko at pilit ulit akong pinapaupo.


"Ano ba?!!"

"Psh, duwag ka. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka! Para mawala yung sakit!" Nakangising sabi niya pero punong puno ng pang aasar ang boses niya na kulang nalang isampal niya sa mukha ko na mahina ako!


Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya! Narinig kong tumayo na rin siya.


"Hatid na kita." Alok niya.


"No, thanks."


"O-okay!" Nakangising sabi niya! At nanlaki ang mata ko ng sumakay siya sa kotse niya at pinaandar yon!


Dammit! Tanga ba siya?! Hindi ba niya nahahalata na naiinis ako sakanya?! Bwisit, naglakad ako sa hi-way at nagbabaka sakaling may dumaan manlang kahit isang taxi! Pero wala! Naglakad nalang ako..


"Napaka plastik ng tawa mo. Pati tono ng pananalita mo plastik, psh."

Nag echo sa isip ko yung sinabi niya, ganun na ba ako kahalata? Ganun na ba kahalata na nasasaktan ako? Binubura ko nanaman yung sakit eh, kaya lang habang tumatagal kasi mas lalo lang tumitindi yung sakit na nararamdaman ko.


Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang naglalakad sa kawalan..

___


DRAKE P.O.V



Dahan dahan kong pinapaandar ang sasakyan ko, akala siguro niya iniwan ko talaga siyang mag isa dun, hindi naman ako gago para mag iwan ng babae sa walang taong lugar, baka mamaya mapano pa siya kasalanan ko pa, psh. Umikot lang ako, at heto ako ngayon patagong sinusundan siya, h'wag lang siyang magkakamaling lumingon kundi mahuhuli ako.


Napansin kong humihikbi siya, napailing nalang ako. Sinasabi ko na nga ba eh, nasasaktan yan. Nagpapanggap na matapang duwag naman.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now