Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 8

1.5M 34.8K 28.9K
                                    

Mikazuki's PoV

Just like what Roswell asked me, I followed all his orders. "Ask someone to conduct a background check of our prospect before we give t—"

"I already did." Inilapag ko sa table ni Roswell ang folder ng lahat ng information tungkol kay Shenly Nadal. Ni-reject kasi ni Katana ang offer ni Lovelle na mag-invest sa Heartily. Kaya nagpahanap si Roswell ng ibang maaaring mag-invest alinsunod sa utos nina Mommy Angelique at Daddy Louie. In short, we're just using Shenly Nadal's name para hindi malaman ni Katana na si Lovelle ang mag-i-invest.

I am not sure, pero ramdam kong gusto nilang kuhanin ang Heartily kay Katana and this is their way para makapasok sa company.

"Not bad," sabi ni Roswell habang binabasa niya ang background ni Shenly. Katana doesn't know a thing about Shenly dahil wala rin akong sinabi sa kanya.

"Send her the money for investment, including our payment," utos ni Roswell.

"Okay. May iuutos ka pa?" tanong ko.

"About the wedding, ngayon 'yong naka-schedule na paghahanap ng venue. Pwede mo bang samahan ang organizer to personally pick one?"

Tumango ako pagkatapos niyang magsalita. "Okay, 'yon lang ba?" tanong ko ulit.

Nakakunot ang noo ni Roswell no'ng sagutin niya ang tanong ko. "Yeah, I guess that's all," sagot niya.

"Okay." Tumalikod na ako at naglakad papunta sa may pinto.

"Mikazuki." I stopped when I heard him call my name. "A-are you sick?" Lumingon ako para sagutin siya.

"Huh? Hindi naman. Bakit?"

"Bakit sinusunod mo ako?" kunot-noong tanong niya. Natawa naman ako nang mahina

"Bakit? 'Di ba ayaw mong pinakikialaman kita?" tanong ko sa kanya.

Sabi niya sa 'kin, 'trust me' at hayaan ko raw siya. Tapos ngayon namang hinahayaan ko siya, tatanungin niya ako kung bakit ako sumusunod. What the hell is his problem? Napailing na lang ako.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Bullet ay nakatingin pa rin siya at nakakunot ang noo. I want to hold my chest dahil bumilis ang tibok ng puso ko when our eyes met. It feels odd, feels weird. Lumunok ako and diverted my gaze, but when I saw him stood up ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. What the hell is happening to me? Hindi naman ako ganito noon.

I'm trying to compose myself nang mapansin kong nasa harap ko na si Roswell. He gently held my chin. Slowly, iniharap niya ang mukha ko sa kanya. He lowered down his head before asking. "Sigurado kang wala kang ibang pinaplano?" diretsong tanong niya.

I can't utter a word. I cannot contain my heart from beating fast. And I can't take my eyes off him.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa 'kin at saka mabilis na lumabas ng kwarto para tumakbo sa kwarto ko.

Damn! What the hell was that?

***

Isang oras akong namalagi sa kwarto para mag-isip-isip. Kahit na wala rin naman akong nakuhang sagot.

"Ugh!"

Tiningnan ko ang oras. I still have one hour and a half bago makipagkita sa organizer. And will only take fifteen minutes bago makarating sa restaurant na pagkikitaan namin. Masyado pang maaga.

Tumayo ako at nagbihis. Kakain na lang muna siguro ako sa kitchen para magpalipas ng oras.

"Oh my geez! Nakakatakot!" Nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na ang hiyaw ni Lovelle na mas malakas pa sa sound effects ng pinapanood nila.

My Husband is a Mafia Boss (Season 3)Where stories live. Discover now