19

8.3K 543 383
                                    

• 🏐 •

"Seb, good luck sa upcoming games n'yo."

Napatingin ako kay Kai na nasa harap ko ngayon. Pagkatapos naming bumili ng dumplings at egg tart ay dumiretso na kami rito sa café. Tumaas nga agad iyong balahibo ko kanina pagpasok namin dito kasi ang lakas ng buga ng aircon nila pero buti na lang ay pinahiram sa 'kin ni Nico itong hoodie niya.

Nag-mental note na lang ako na ibabalik ko sa kaniya itong hoodie niya mamaya kahit anong mangyari. Paano ba naman kasi, iyong akala kong hihiramin ko lang ay bigay na pala niya.

Kapag isasauli ko kasi, parang galit pa siya. Parang kasalanan ko pa.

Ang dami ko na tuloy hoodie bigla. Dagdag labahin tapos dagdag din sa kilo sa laundry shop kaya ang mahal ng binabayaran ko kasi gawa yata sa bakal ang mga hoodie ni Nico. Ang bigat kasi tapos ang laki pa sa 'kin.

"Uhm, salamat po. Kayo rin," sagot ko Kai.

Natawa siya. "Ay, oo nga pala. May games pa pala kami. Good luck sa 'tin! Easton kalaban n'yo, 'di ba?"

"Opo," tumango ako.

"Against Westmore naman kami. Sana teams natin ang manalo para tayo maglaban sa finals. Tama na ang Westmore-Easton rivalry. Nakakaumay rin, e, 'no?"

Napangiti ako saka tumango-tango ulit.

Sa totoo lang, ang gaan ng loob ko kay Kai. Ang bait pala niya. Kung ano siya sa loob ng court, gano'n din siya sa labas. Pareho lang iyong ngiti niya kapag magre-receive at magdi-dig ng bola at iyong ngiti niya kapag kinakausap niya ako.

Para nga siyang balahibo ni Bok, e. Ang gaan lang kasama. Tapos tumatalbog-talbog iyong buhok niya kapag tumatango siya o 'di kaya ay tumatawa. Maputi rin siya at natural na mapula ang labi.

Peeo sobrang kabaligtaran ng features niya sa boyfriend niyang si Roen. Ang laking tao kasi ng pinsan na iyon ni Nico, e. Pero pareho naman si Kai at Roen na may mabait na personality. Mas madaldal lang si Kai pero sa napansin ko kanina ay parang palaging willing makinig sa kaniya si Roen.

Ang cute nilang dalawa. Nakakatuwa silang tignan.

Saglit ko pa lang sila nakakasama pero parang ang saya-saya lang nila palagi sa buhay kahit na simpleng magkausap lang naman sila.

Minsan nga ay gusto ko na lang hilahin si Nico palayo sa dalawa kasi pakiramdam ko ay nakakaistorbo kami. Dapat pala ay hindi na ako pumayag sa suggestion ni Kai kanina na sumama kami sa kanila.

Mukhang nagde-date pa naman sila.

Kami ni Nico, kakain lang, e.

At aaminin ko, ito ang unang pagkakataon na may nakilala ako at kilala kong nasa same sex relationship. At masasabi kong... wala rin namang pinagkaiba sa hindi same sex.

Ang paniniwala ko kasi, basta mahal n'yo ang isa't isa regardless sa kung sino man kayo o saan man kayo galing, ano man ang status n'yo sa buhay, wala dapat humusga no'n.

Napapaisip tuloy ako.

Darating din kaya iyong time na magkakaro'n din ako ng... partner?

Ng... girlfriend?

Paano kung... boyfriend din pala ang dumating?

Hala, paano naman kung wala palang darating at mananatili lang akong single father kay Bok?

Ngumuso ako. Oo nga, 'no? Paano kung single pala ako habang buhay?

Sa buong 19 years ko rito sa mundo, ngayon ko lang talaga napag-isipan ang tungkol do'n. Late na ba ako? Iyong iba kong kaedad, nakarami na ng nakarelasyon. Ako, wala pa. Pero alam ko naman na bata pa ako at hindi dapat minamadali ang mga gano'ng bagay.

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now