18

8.6K 537 434
                                    

• 🏐 •

Yeah, they were all yellow...

Hindi na naalis sa isip ko iyong line na iyon kahit pa nalagpasan na namin iyong jeep. Hindi ko alam kung dahil ba yellow rin ang kulay ng t-shirt ko ngayon... o dahil ba iyon ang paborito kong kanta... o dahil nakatatak pa rin sa isip ko iyong mga mata ni Nico kanina na diretsong nakatingin sa 'kin habang sinasabayan niya si Chris Martin ng Coldplay.

At kasabay din ng paulit-ulit na pagpe-play sa utak ko ng lyrics... ay ang paulit-ulit ding mabilis at malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Sa totoo lang, hindi ko sigurado kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ng parteng iyon ng katawan ko.

Dahil ba sa kanta?

Sa boses ng kumanta?

O dahil ba sa... mismong kumanta?

"Seb?"

"H-Huh?"

Napakurap ako nang marinig ang boses ni Nico. Nagtama ang mga mata namin sa side mirror ng motor niya. Malambot ang ekspresyon sa mukha niya samantalang halatang galing ako sa pagkatulala.

"We're here."

Doon ko lang na-realize na nakahinto na pala kami. Hala, nakakahiya naman. Naabutan pa niya akong nakatulala...

Agad akong bumaba sa motor niya. Gano'n din ang ginawa niya at nataranta na lang ako no'ng lumapit siya sa 'kin. Para akong naestatwa ro'n lalo na no'ng nasa harap ko na siya.

Sebastian, anong nangyayari sa 'yo?

"A-Ano iyon?" Tanong ko habang tinitingala siya.

"Tanggalin ko lang iyong helmet mo," aniya.

"Ah! Oo nga-" ako na sana ang magtatanggal no'n pero naunahan niya ako. "Hala, ako na-"

Pero natanggal na niya. Napakurap na lang ako habang naririnig na naman sa isip ang Yellow ng Coldplay.

Yeah, they were all yellow...

Pero hindi boses ni Chris Martin ang naririnig ko kundi iyong boses mismo ni Nico.

"Nagulo iyong buhok mo. Ayusin ko lang," mababa ang boses na sabi niya.

Magpo-protesta na sana ulit ako nang matigilan sa ikalawang pagkakataon at napatitig na lang kay Nico kasi may naramdaman akong parang kuryente nang dumikit iyong kamay niya sa noo ko. Hindi ko sigurado kung naramdaman niya rin ba iyon pero ako... ramdam na ramdam ko.

Hala.

Ano iyon? Bakit may parang kuryente? Saan galing iyon?

At bakit mas lalong lumakas at bumilis ang kabog ng dibdib ko?

'Wag mo sabihing... inaatake na ako sa puso?

Naku, mamamatay na ba ako? Pero dito talaga sa Binondo? Hindi sa bahay namin sa Iloilo? Hindi ba pwedeng umuwi muna ako sa 'min at doon malagutan ng hininga? Gusto ko munang makita ang mga magulang ko at si Bok para makapagpaalam nang maayos...

Siguro ay sobrang napatagal iyong pagtingin ko kay Nico na nailang na siya kasi bigla siyang namula at nag-iwas ng tingin. Pagkatapos niyang ayusin ang buhok ko ay bahagya siyang lumayo sa 'kin saka tinanggal iyong helmet niya.

Ngumuso ako at inabala ang sarili sa lugar na first time ko lang napuntahan. Nasaan na nga ulit kami?

Hanggang sa tinignan ko ulit siya.

Tapos saktong tumingin rin siya sa 'kin.

At iyon na naman ang boses niya sa utak ko.

Yeah, they were all yellow...

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now