Chapter 49

45.1K 3K 1.1K
                                    

Hi, all! For those who are interested in the hidden chapter of CS, it's now available. It's just a draft na nasa inyo na kung gusto niyong mabasa. DL Patreon app and look for account: jfstories. It's posted there for free.

-------------------------------------------------------------------------------


YOU HAVE BECOME HEARTLESS.



Not the first time as I already had heard something like that. Nasabi na iyon ng landlady ko sa Mandaluyong nang hindi ako pumayag na magdagdag ng upa dahil lang may sakit kuno ito, nasabi na rin ng nahuling snatcher ng aking phone dahil pinaderetso ko ito sa presinto, kahit pa sabi nito ay kailangan lang nito ng pang-tuition.


At higit sa lahat, nasabi na rin ng naging suitor ko sa Mandaluyong. Binasted ko kahit nagsisimula pa lang magparamdam. Guwapo naman siya, kaso iyong sahod niya sa trabaho ay kulang pa sa sarili niya, tapos lakas ng loob niyang manligaw?


Sorry bukod sa kaya kong mabuhay ng walang lalaki, ay hindi rin ako fan ng kanta ng lyrics sa kanta ng bandang Eagles na 'When We're Hungry, Love Will Keep Us Alive'.


Nasagi yata ang pride chicken nito, kaya biglang bawi na kesyo hindi naman daw ako nito nililigawan. Gusto lang daw nito makipagkaibigan, pero ang sama naman daw pala ng ugali ko. Kaya raw siguro ako iniwan ng ama ng anak ko. May point naman siya. Pointless.


Hindi pa rin ito lumayas. Pilit pa ring inaangat ang bandera ng pagkalalaki nito. Kesyo may anak na raw ako kaya dapat daw na magpasalamat pa nga ako kung may manligaw man sa akin. Sinagot ko ng 'thanks, but no thanks', ang kaso ay lalo na namang nagalit.


Pinagsarhan ko na ito ng pinto. Ang mga ganoong tao ay sayang lang sa oras ko. Marami pang ganoong tao ang nagsabi sa akin na masama ang ugali ko, pero hindi ko na iyon problema. It was not my responsibility to manage people's opinion of me.


Pag-akyat sa itaas ay sa kuwarto pa rin ako ni Mama pumunta, dahil hindi ko pa nakukuha ang susi sa kabilang kuwarto. Tiningnan ko ang aking phone. May text si Tita Judy kung puwede na raw ba silang pumunta rito. Nag-reply ako na maya-maya na.


Naghintay ako ng kalahating oras. Kumakalam na ang tiyan ko. Lumabas ako ng kuwarto at sumilip sa may hagdan kung may tao pa ba sa ibaba, nang makitang parang wala na ay saka akong tuluyang bumaba. Doon agad ako sa mesa tumingin, pero wala na roon ang mga pagkain.


Nasaan na? Napalapit ako agad doon. Wala na kahit ano sa mesa. Sinilip ko pa sa ilalim, dahil baka nahulog, pero wala. Wala na talaga ang mga pagkain!


Just to make it clear, hindi sa gusto kong kainin ang mga iyon. Napapaisip lang talaga ako kung saan ba napunta. Malay ko ba, di ba? Pero wala akong pakialam talaga.


Pero nasaan nga kaya? Dinala ba ulit ni Asher? Inuwi niya sa kanila Napasimangot ako sa naisip. Luluto-luto siya gamit ang gas ko, 'tapos iuuwi niya iyong pagkain sa kanila?!


Padabog kong binuksan ang ref para i-check kung pati ba iyong mga grinocery niya ay inuwi niya rin. Sana nga ay inuwi niya na rin, hindi ko naman kailangan ang mga iyon. Unang-una, hindi na ako kumakain ng mga ganoong pagkain ngayon—Nandito pa rin?!


I was surprised to see that all of the wet stocks he brought were still here. May bacon, nuggets, hot dogs! Puno ng stock ang ref ko! May iba rito na katulad ng ilang pirasong pineapple juice in can, Yakult, yogurt, fresh milk, cream cheese, at margarine!


Napatakbo ako sa cupboard at sabay-sabay ang mga iyon na pinagbubuksan. Naririto pa rin ang mga pinaglalagay niyang groceries kanina! Noodles, delatas, chips, cookies, condiments, at marami pa! Ang dami pa!


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now