Chapter 46

47.3K 3.5K 2K
                                    

Makikita mo pa rin ako. – AJP



KUMIBOT ANG SENTIDO KO.


Naalala ko na naman nang makita ang mga oversized shirt sa ibabaw ng hamper. Hindi ko pa rin iyon nalalabhan. Dinampot ko ang mga iyon. Kung ito ang magiging dahilan ay 'wag na siyang mag-abala. Nag-book ako ng Lalamove papunta sa Buenavista.


Alam ko naman ang address, unless nagpalit sila, which was impossible. Saglit lang ay may tumanggap na ng booking ko. Gumamit lang ako ng imbentong contact number ng receiver, dahil hindi ko alam kung anong ilalagay na number. The rate from Pascam Uno to Buenavista was only P95 but I'd added P50 tip for the rider.


Pagdating ng rider ay inuhan ko na itong 'wag nang tumawag sa receiver. Binayaran ko na rin agad, at nagbilin ako na kahit sino naman doon sa drop off place ay puwedeng tanggapin ang pinadala ko. Kung wala naman talagang tao, kahit ibato na lang ang paper bag sa loob ng gate. Basta makarating lang doon.


Akala ko ay okay na, pero mayamaya ay nagri-ring ang phone ko. Tumatawag sa akin ang rider. [ Ma'am, dito na po ako sa drop off. May tao po rito, kaso ayaw tanggapin iyon padala niyo. ]


What? Sino ba ang nasa drop off?!


[ Ma'am, scammer daw po kayo. ]


"Ano?!" Napatayo ako mula sa sofa. "Paanong scammer, e wala naman siyang babayaran?! Pati nga delivery fee ay bayad ko na! Basta ibigay niyo ho sa kahit sino riyan!"


[ Ayaw nga pong tanggapin. ] Tunog namomroblema na ang rider.


Napabuga ako ng hangin. "Sino ho ba ang nariyan?"


[ Lalaki pong matangkad, medyo long back ang buhok, moreno po, matangos ilong, makakapal ang kilay. Siya raw ang pinakaguwapo rito sa kanila. ]


Kilala ko na. Huminga muna ako. "Pakisabi kuya, kunin niya na iyong paper bag. Kanya kamo iyan. Wala na siyang babayaran sa delivery fee dahil nabayaran ko na—"


[ Hello. ] Biglang nagsalita ang isang malamig at baritonong boses mula sa kabilang linya. Hindi na ito ang rider na kausap ko kanina, dahil alam na alam ko kung kaninong boses na ito. Muli siyang nagsalita. Mababang tono subalit buo. [ Bakit pinadala mo rito ang mga labahin mo? ]


Nagtagis muli ang mga ngipin ko. "Excuse me?" kaswal pero mariing balik-tanong ko.


[ What do you want me to do with your laundry here? Palabhan ko sa nanay ko? ]


"Do whatever you want. Sa 'yo naman ang mga iyan. Pinadala ko riyan para hindi ka na maabala."


[ Oh, really? But I told you that I don't want them anymore, and you even offered to just pay me. ]


"Babayaran ko iyong nine hundred, pero ang gusto mo kasi ay nine thousand! Wala akong ganoon kaya tanggapin mo na iyan!"


[ I said, I don't want them anymore. Sa huling usapan natin, nilinaw ko sa 'yo na hindi ko ito tatanggapin kung hindi mo lalabhan, kaya bayaran mo na lang. ]


Sa background niya ay naulinigan ko ang boses ng rider, [ Boss, puwede na po bang makuha CP ko? May deliver pa po kasi ako. ]


Kumibot na naman ang sentido ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong may naaabalang tao. "Okay, send them back to me. Ipapa-laundry ko bago ipadala ulit sa 'yo!"


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now