Chapter 2: Punishment

6 0 0
                                    

Someone's POV

Nanginginig. Natatakot.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin.

*Flashback*

"Wala ka ba talagang magagawang matino?! Kinalaban mo si Mj! Mj Villafuerte! Hindi mo ba siya kilala?!" bulyaw sakin ng school principal.

"Pero sir, siya po talaga yung nauna, maniwala po kayo sakin." pagtatanggol ko sa sarili ko. Pero parang lalong nagalit ang principal namin.

"Wala akong pake! Kinalaban mo pa din siya!" sigaw niyang muli. "Siya si Mj! Importante samin ang estudyanteng yon! Kung wala siya hindi ganto kaganda ang school natin." dagdag pa niya.

Tama siya, dahil nga sa kanya kaya daig pa ng public school namin ang mga private dito. Pero ayos lang talaga sa kanila na utos-utusan sila ng walang hiyang yon. Basta talaga pera ang pinag-uusapan, gagawin nila ang lahat.

"Bilang punishment, linisin mo lahat ng faculty sa buong school." utos ng principal sakin.

Ano?!

"Po?!" hindi makapaniwalang sagot ko.

Eh kung isipin kaya muna nila na ang laki-laki ng school namin tapos mag-isa lang ako!

"Yun ang punishment na binigay ni Sir Mj bilang pagpapatawad sayo. Alam mo ang kapalit pag hindi mo sinunod ang utos niya. Hindi kami ang mananagot sayo pag nagkataon."

Wala akong nagawa dahil hindi ko naman pwede suwayin ang utos ng pinakamagaling sa lahat.

Pumunta ako sa isang building dito sa campus. Ang third-floor building ng mga faculty. Medyo malayo ito sa mga buildings mismo ng mga rooms dahil wala namang estudyante ang pinapayagan na pumunta dito. Maliban syempre sakin dahil ako ang janitor ng mga faculty namin ngayon.

Habang tinitignan kung gaano kataas ang building ay hindi ko maiwasang matakot. Halatang ako lang mag-isa ang nandito. Naglibot muna ako. Pumunta ako sa third floor ng building. Ito muna ang una kong lilinisin. Bubuksan ko na sana ang isang pinto sa third floor ng may marinig akong ingay na nagmumula sa pinakadulong room ng third floor.

Nakakatakot man pero nilapitan ko ito. Unti-unti kong binuksan ang pinto. Madilim kaya binuksan ko ang ilaw.

May pakiramdam ako na may lilitaw na kung ano man pero nang tuluyan ko nang nabuksan ang pinto ay walang kahit anong bumungad sakin.

Pumasok ako sa loob ng room at nilibot ang paningin ko dito. Science faculty ang third floor kaya hindi nakakapagtaka na ang daming mga chemicals at mga basag na bubog. Meron ding mga lumang microscope sa ibabaw ng maliit na lamesa.

Lalapitan ko sana ang mga iba't-ibang kulay ng chemicals nang biglang malakas na kalabog ang narinig ko.

Nanggagaling ito sa isang maliit na parang box. Nakabalot ng puting tela ang box kaya tinanggal ko ito.

Laking gulat ko na hindi isang box ang laman nito kundi isang cage na maliit at may hamster sa loob nito.

Teka, hindi ba may school pet daw na nawawala. Ang alam ko hamster din yun. Pero nung isang taon pa yun eh.

Nilapitan ko ang hamster na pilit kumakawala sa kulungan niya. Napatingin ako sa pintuan nito.

Naka-lock.

Naghanap agad ako ng pwedeng ipang-sira sa maliit na kandado nito.

Nakahanap agad ako ng martilyo. Habang hawak ko to hindi ko naiwasang isipin yung Mj na yun. Ang sarap ipukpok nito sa ulo niya.

Ginamit ko itong pang-sira sa kandado ng cage. Habang sinisira ko ang kandado ay hindi ko maiwasang magtaka sa inaasta ng hamster. Nagwawala ito sa kulungan niya tila ba gusto nang makalabas.

Nang tuluyan kong nasira ang lock ay bubuksan ko na sana ang pinto ng cage nang biglang kagatin ng hamster ang daliri ko.

Hayop ang sakit!

Nagdugo ang daliri ko dahil sa lalim ng kagat. Nabuksan nito ang cage at hinabol ako.

Habang umiiwas sa hayop ay nakita ko ang martilyo.

Kinuha ko ito at agad na pinukpok sa hamster. Hingal na hingal ako dahil sa kakatakbo.

Napasandal na lang ako sa pader.

*End of flashback*

Bigla na lang akong nahilo at nagsuka ng dugo. Habang pinapasuka ang sarili ko ay hinawakan ko ang aking dibdib na sumisikip.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tila ba hindi na ito normal.

***


Micah's POV

Nahihilo ako. Wala akong maalala sa mga nangyari. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at bumungad sakin ang puting kwarto. Niligid ko ang paningin ko at nakita si Cassy na nakikipag-usap sa nurse.

Nasa clinic ako.

Tumingin sakin si Cassy at agad na ngumiti. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot.

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Tinignan ko ang kamay ko. May nakatusok dun na parang karayom. Napansin ito ng kaibigan ko kaya siya na ang nagsalita.

"Pinatulog ka nila. Inatake ka na naman ng phobia mo." pagpapaliwanag niya.

Yung phobia ko.

Sobrang nakakatakot kung iisipin ko. Pero kahit isipin, tuwing nakakakita ako hindi ko maaalala ang mga nangyari.

***

Mj's POV

Pagsisisi.

Yan ang palagi kong nararamdaman tuwing nakikita ko siya.

Sana hindi na ako nakipag-break. Sana hindi na ako nag-sinungaling. Sana hindi ko siya pinahirapan ng ganto.

Sana hindi ko siya iniwan sa mga panahon na kailangan niya ako at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya.


Pero nangyari na ang mga nangyari.

Nandito ako ngayon sa labas ng clinic na pinagdalhan niya. Habang iniisip na abot-kamay ko na lang siya hindi ko maiwasan na mainis.

Abot-kamay ko lang pero wala ako dun.

Umalis na ako dun at bumalik sa room namin.

I'm sorry, Mics.



Class Suspendead Where stories live. Discover now