Chapter 1: Hemophobia

17 1 0
                                    

Micah's POV

"Okay class, let's go."

PE namin ngayon. Dodgeball daw ang lalaruin namin.

"Micah, tara na." si Cassy, bestfriend ko.

Lumabas na kami ng mga kaibigan ko sa room para pumunta sa gym. Hindi ko maiwasan na titigan ang malawak naming field habang naglalakad.

Pagdating namin sa gym nandoon na ang mga section A. Sila ang pinakamataas na section sa senior high. Kabilang sa kanila ang mga mayaman, matalino at ang mga sikat na estudyante sa campus.

Pero syempre hindi mawawala ang mga mayayabang at mga feeling kaya nilang bilhin ang buong campus dahil halos sila na ang masunod dito. Inuutusan daw ba naman ang principal.

At oo, sila ang kalaban namin. Sa dinami-dami ng section sa sh sila pa talaga ang napili para kalabanin kami.

Our class is divided into three groups, so as section A. Sampo ang member bawat isang group. Group three kami kaya kami ang pinakahuling maglalaro.

Natapos maglaro ang group one at sumunod ang group two.

At sa hindi inaasahang pangyayari, nandaya sila. Kitang-kita ko sa dalawang mata ko men!!

Nilalakasan nila ang bato at sinisiguradong tatama talaga. Anung problema nyo?!

Ang swerte nga ng group 2 dahil kahit dinadaya na sila sila pa din ang panalo. Sa totoo lang kahit PE kailangan mong seryosohin dahil sobrang higpit nila sa pagbibigay ng grade.

"Group 3!" sigaw ng teacher namin.

Nagsilapitan na ang grupo namin at ang grupo ng kabilang section. Kumuha kami ng kanya-kanyang bola at umayos ng position.

Pagpito ng teacher namin ay agad na nagsibatuhan ng bola ang mga kasama ko at ako.

Tatlong round yun at kung sino ang unang makapoints ng 3 ay siyang panalo. Kailangan naming manalo para sa grades.

Ngunit habang naglalaro ay hindi makakatakas ang tingin ko sa isang tao na halos baguhin ang buong pagkatao ko.

Mj.

Siya si Millton Jay Villafuerte o mas kilala bilang Mj. At ex ko siya.

Hindi naging malinaw ang breakup namin dahil biglaan lang yon. Mag t-two years na sana kami pero bigla na lang siyang nakipag-break sa hindi ko alam na dahilan.

At simula nun, nagbago na ulit ang lahat sakin.

Sa sobrang occupied ko ay hindi ko na napansin na may bolang palipad sa harapan ko. Huli na ang lahat.

Putik!! Ang sakit huhu.

Nagtawanan ang buong section A. At nang tignan ko ang may gawa nun ay hindi ko maiwasang mainis. Yan na naman siya.

Pinapahiya na naman ako sa harap ng maraming tao. Nakikitawa na parang wala lang sa kanya lahat ng yon. Tuwang-tuwa sa mga ginawa niyang hindi naman nakakatulong na umunlad ang lipunan. Ay.

Bwiset ka talaga Mj! Hinayupak ka!

Habang tinitignan ko siya ay bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso at parang naalarma.

May biglang tumulong sipon sa ilong ko. Hinawakan ko ito para punasan—na malaking pagkakamali na sana ay hindi ko pala ginawa.

May dugo. Takot ako sa dugo.

"Micah, may dugo," natatakot na bigkas ng kaibigan ko.

Y-y-yung hemophobia ko..










(A/N: For those who don't know, hemophobia is the fear of blood. Seeing blood can cause fainting or a feeling of extreme fear.)

Class Suspendead Where stories live. Discover now