CHAPTER 2

18 0 0
                                    

Chapter 2

Sa nagdaang panahon na iniwan ko si Steven ay minsan ko nang hiniling na sana'y makita ko ulit sya, mahawakan at makausap.

Pero hindi ko inaakala na sa ganitong sitwasyon ko sya makikitang muli.

Sadyang ngang mapag-laro ang tadhana. Tila paborito ako nito na hanggang ngayon ay pinaglalaruan ako.

"Steve..." gulat na sambit ko, hindi parin makapaniwala na nakitang muli ang dating nobyo.

"Omg! Is that really you Steven?" gulat ring tanong ni Ruth.

Tinignan ko si Steve, iba na sya sa dating iniwan ko. Seryoso ang mukha nya at maayos ang suot nya, mahahalata mo na maayos ang estado ng kanyang buhay.

Naguguluhang nagpapalit-palit ang tingin ni Claire saaming tatlo, halatang walang naiintindihan sa nangyayari.

"M-magkakakilala kayo?" tanong nya. Nagkatinginan kami ni Ruth, hindi alam kung anong isasagot gayong napakadali lang ng tanong.

"O-oo hehe... K-kasi schoolmate namin sya nung college" kinakabahang sagot ni Ruth.

"Oh really? It's nice to know, so' kilala nyo na pala ang isa't isa. By the way Love, sila yung sinasabi ko sayong friends ko.

"Hmm it's nice to see you again, Astraea" seryosong aniya at inilahad ang kamay saakin. Tinanggap ko ito at sapilitang ngumiti.

"Nice to see you again too, Lia. You've change a lot" nakangiting baling nya kay Ruth. "Ah Eh hehe ikaw rin naman marami nang nagbago sayo" halatang napipilitan rin si Ruth.

Bago pa man humaba ang usapan ay pinutol ko na ito. Nanghihina ako at konti nalang ay alam kong babagsak na ang mga luhang kanina ko pa piniligilan.

"Claire, mauuna na kami ni Ruth. May dadaanan pa kasi kami" pinilit kong wag gumaralgal ang boses at ngumiti.

"Sige take care" nakangiti ring aniya at nagpaalam.

Tumalikod agad ako at hindi na napigilang lumuha habang nag lalakad. Nanghihina ang mga tuhod ko at lumalabo ang mga mata ko dahil sa luha.

B-bakit? Bakit sya pa? Sa dinami daming lalaki sa mundo, bakit sya pa ang fiance ni Claire? At bakit kaibigan ko pa?
Ako ang nang iwan pero bakit ako ang nasasaktan?

Hindi ko na napigilan ang humagulgol ng marating namin ang parking area.

"Traea..." nag aalalang pagtawag saakin ni Ruth.
"I'm okay, Lia. I-im o-okay" lumuluha 'kong pag kumbinsi sakanya.

"No you're not" malungkot na aniya. "You know what? Someone told me that 'Kapag mahal mo ang isang tao, hinding hindi sya aalis sa isip mo'."

Nakangiting aniya, para bang napaka espesyal ng nagsabi sakanya ng mga salitang iyon.

Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sakanya. "Who told that?" tanong ko.
Matamis syang ngumiti saakin. "Someone I love" sagot nya.

Sa sagot nya ay kilala ko na. Si Shawn na kanyang asawa ang tinutukoy nya.

"Lia, paano?" nakatulalang tanong ko.

"Huh? Paano? Anong paano?" sunod sunod na tanong nya, hindi maintindihan ang tinanong ko.

"Paano naging maayos ang pagsasama nyo? Paano kayo naging masaya ng ganyan? Paano rin ako sasaya sa piling ng aking asawa?" malungkot na tanong ko pa.

"Pwede natin itatak sa isipan natin na gustuhin ang isang tao pero, hindi natin pwedeng diktahan ang puso sa kung sino ang mamahalin nito" malalim na aniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wounds Of The PastWhere stories live. Discover now