PROLOGUE

26 2 2
                                    

May mga bagay talaga na gusto nating makuha ngunit hindi natin kayang maabot. Pero susuko ka nalang ba? Kasi kung ako ang tatanungin? Hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat upang maabot ang mga pangarap ko.

Malungkot akong naglalakad pauwi sa bahay. Hindi ako nakuha sa kumpanyang pinag-aaplyan ko, mas tinanggap kasi kaysa saakin ang babaeng anak ng isang politician.

Siguro ganoon nga talaga ka-unfair ang mundo, mas pinipili ang mga taong nasa kataasan kaysa sa mga katulad 'kong lumaking mahirap at nag-aral sa isang di kilalang pampublikong paaralan.

Bakit nga ba? Bukod sa pera, ano bang pinagkaiba naming mahihirap sa mga taong mayayaman? Pare-parehas naman tayong mga tao, pero ang di ko maintindihan ay kung bakit kailangang tapakan ng iba ang dignidad mo.

Malapit na ako sa bahay at kitang kita ko na ang squatter naming lugar. Maingay, madumi, sira-sira at dikit-dikit na bahay.

Palapit nako sa bahay namin ng mahagip ng mga mata ko ang aking ina na nagsusugal. Kaninang umaga pag gising ko ay nagsusugal na sya at hanggang ngayon pag uwi ko ay hayan at nagsusugal parin.

Pagod akong pumasok sa bahay at unang hakbang palang ay makikita mo na ang magulo at maliit naming tahanan.

Minsan hiniling ko na sana pinanganak nalang ako na mayaman, walang pinoproblema at walang inaalala.

Kami nalang ni mama ang magkasama dahil sanggol palang raw ako nang mamatay ang aking ama, lumaki ako ng hindi manlang alam ang pangalan nya o kung ano mang impormasyon tungkol sakanya dahil may galit si mama kay papa. Hindi ko alam kung bakit or kung ano man ang nagawa ni papa kay mama noon, ngunit para sa'kin ay may karapatin parin akong kilalanin ang aking ama.

Pagod nako sa buhay ko. Sawa nakong maghanap ng trabaho at ng makakain namin sa pang araw-araw habang ang aking ina ay walang ibang ginawa kundi magsugal buong araw.

Ayokong pagsalitaan si mama dahil magulang ko sya. Sya ang nagbigay-buhay, nag palaki at nag alaga saakin. Utang ko sakanya kung bakit ako nandito sa mundo.

Pero tao lang rin ako, nakakaramdam din ako ng pagod. Hanggang kailan akong ganito? Hanggang kailan ko papasanin ang resposibilidad na dapat ang magulang ang gumagawa?

Kumuha ako ng maleta at dali-daling inilagay ang mga mahahalagang gamit ko.

Wala nakong maisip na paraan upang maging maganda ang aking kinabukasan kundi ito lang.

Kung ang paglalayas ang tanging paraan upang takasan ang aking kinalakihan ay gagawin ko, para sa mga ambisyon ko.

Pagkatapos ko mag impake ay inilagay ko ito sa ilalim ng kama. At ginawa na ang mga gawaing bahay.

12 p.m. ng gumising ako. Mahimbing na natutulog si mama. Kinuha ko ang maleta ko at inilagay ko ang sulat sa katabing lamesa ng kama, at tuluyan ng lumisan sa bahay na saksi sa paghihirap ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko na umuulan. Bigla ko syang naalala, we love to dance under the rain. Hindi ko namalayang may luha na palang bumabagsak sa mga mata ko. Hindi ko kayang umalis ng hindi ko sya nakikita, kahit ngayon lang gusto kong hayaan ang sariling makita sya... Sa huling pagkakataon.

Pinunasan ko ang mga luha ko at pumunta sa bahay ng 3 years ko ng karelasyon. Bukod kay mama ay sya ang isinugal ko sa desisyong ito. Bata pa lang kami ng makilala ko sya, umiiyak ako ng gabi na yun sa gitna ng ulan dahil kamamatay lang ng papa ko nang biglang may lalaking bigla akong pinayungan.

*FLASHBACK*

Hindi ko alam kung saan ako pupunta lakad lang ako ng lakad sa kalagitnaan ng ulan. I really love to cry under the rain dahil walang makakahalata na umiiyak ako. Saan pa ba ako pupunta nito? Wala na ang kaisa isang kakampi ko. Humagulgol ako sa iyak at napaupo sa gitna ng kalsada, tila sumasabay pa sa hinagpis ko ang ulan, tila hindi na rin nya nakaya ang bigat ng ulap tulad ng hindi ko na kayang itago ang sakit na nararamdaman.

Wounds Of The PastWhere stories live. Discover now