♕CHAPTER 38♕

2.1K 61 4
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Sa paglalakad namin sa maganda at simpleng lugar na 'to ay hindi ko maiwasan mamangha sa kultura at mga kaganapan na nagaganap dito. Isang beses ko lang ito na puntahan at noong fieldtrip pa namin ito nung high school ako kaya hindi mapagod ang mga mata ko sa kakatingin sa bawat madadaanan namin, nais ko pa sanang libutin ang buong lugar ngunit kailangan naming puntahan ang kasiltyo kung saan maaari kaming makahanap ng sagot sa aking mga tanong.

"Sa royal library tayo, alam ko kahit sino ay maaaring pumasok doon," sabi ni Achylys habang may hawak na inihaw na mais at sumunod lang kaming dalawa ni Viggo sa kaniya.

Nang makarating kami doon ay  tumambad sa 'kin ang napakaraming mga libro, iba-iba ang kapal nito at kulay, marami ring mga dayo at ibang mga tao o sabihin na nating mga witches and wizard na nasa loob.

Hindi ko alam kung sino-sino sa kanila ang mga normal na tao at  iyong mga nagtataglay ng kapangyarihan.

Pero bago ko pa matuon ang atensyon ko sa kanila ay nakakita ako nang manipis na linya sa hangin, para itong usok na itim o 'yung miasma na nakita ko mula sa libro at sa kweba na pinagkulungan ni Achlys.

"Nakikita niyo ba ang itim na usok na 'yun?" Tanong ko sa kanilang dalawa at umiling si Viggo at tumango naman si Achlys.

"Nang gagaling iyon sa maliit na pursyento ng kapangyarihan mo," bulong naman ni Achlys at nagkatinginan lang kami ni Viggo saka ko sinundan kung saan nanggagaling ang itim na usok na iyon.

Naglakad pa ko papasok sa nakahalerang mga bookshelves sa tagong bahagi ng silid aklatan at hinanap kung saan ito nang gagaling hanggang sa makita ko sa huling parte ng silid ang isang librong kulay puti na may mga linyang ginto.

Marumi 'to at halatang gamit na gamit, bakas din ang mga kakaibang marka na dahilan para hindi mo mabasa ang mga nakasulat sa pabalat ng libro.

Nang buklatin ko 'to ay parang rumaragasang ilog ng memorya ang pumasok sa utak ko.

Lahat ng memorya ni Kiera sa pagtakas niya at pagpunta niya sa lugar na 'to, lahat ng pag-aaral niya at paulit-ulit na pagbabasa ng mga kaalaman tungkol sa mahika, ang palagi niyang pinupwestuhan tuwing magbabasa, ang mga librong hinawakan niya bukod sa isang 'to at ang patago niyang pag-aaral ng mga pinagbabawal na libro at ang paggawa ng itim na mahika.

Napahawak ako sa ulo ko nang paulit-ulit kong makita ang senaryo nang pagpapabalik-balik niya sa pwestong kinatatayuan ko at pagkuha niya sa librong puti na 'to.

"Kiera, ayos ka lang ba?" Tanong ni Viggo at inalalayan akong makatayo, hinawakan niya ang balikat ko at napasandal naman ako sa kaniya.

"Mukhang nakita mo ang memorya niya," saad ni Achlys na pinagtataka ni Viggo.

Hindi niya pa alam ang totoong pagkatao ko at balak ko na rin sabihin sa kaniya ang bagay na 'yun ngayon kung sakaling makahanap ako ng impormasyon tungkol sa lihim ni Kiera o sa bakit ako na punta sa panahon na 'to.

Ngunit nang buklatin ko ang puting libro, wala itong kahit ano mang nilalaman, malinis ang bawat pahina ay ni isang sulat ay wala kang makikita.

"Bakit blangko?" Tanong ko sa sarili ko at nakita ko naman naglakad si Achlys palabas ng silid aklatan.

"Saan ka pupunta Achlys?" Tanong ko at tumingin lang siya sa 'kin.

"Kakain," maikli niyang sagot pero parang pinapahiwatag niya sa 'kin na bibigyan niya kami ng oras ni Viggo para makapag-usap.

Napatingin ako sa librong hawak ko at kay Viggo na mukhang alalang-alala sa 'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta sa isang open area sa loob ng library habang hawak pa rin ang librong nasa kamay ko.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now