♕CHAPTER 26♕

2.5K 78 1
                                    

CANA ANNALIS

Isang buong araw akong nakasubsob sa mga libro at hinahanap kung anong klaseng lason ang nakunsumo ng emperor para magkaroon ng ganoong kalubhang sakit.

Ayon sa libro, unti-unti nitong pinapahina ang pangangatawan ng kumunsumo ninto at hindi na mamalayan na lason ang dahilan ninto.

"Oh, uminum ka muna ng tsaa," aya sa 'kin ni Viggo sabay lapag ng meryenda sa harapan ko.

Narito ako ngayon sa Romulus library kung saan matatagpuan ang maraming iba't ibang libro na pagkukuhaan ng impormasyon.

"Viggo, may alam ka bang lason na matagal ang ipekto sa katawan pag-ininum? 'Yung hindi mo mahahalatang lason ito?" Tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa 'kin nang mapanghusga at halata sa mukha na pinag-iisipan niya ko ng masama.

"Hoy bakit ka ganiyan makatingin? Hindi ko gagamitin ang lason no! Naghahanap lang ako ng lunas dito, at dahil hindi ko alam kung anong klase 'yung lason ay hindi ko rin malaman kung ano 'yung gamot okay?" Paliwanag at depensa ko sa kaniya dahil masyado siyang mapanghusga.

"Akala ko kasi may binabalak ka," sagot niya at umiling ako sabay kuha ng tsaa at higop rito, umupo naman si Viggo sa tabi ko at tinignan ang mga libro na nasa harapan ko.

"May alam akong bulaklak na matinding lason pero kung hahaluan mo ng belladonna flower ay mapapatagal ninto ang pagkalat sa katawan pero unti-unting sinisira ang katawan mo sa loob," sabi niya at kinilabutan naman ako sa kung ano mang lason iyon.

"Ano naman 'yun?" Tanong ko dahil hindi ko na matandaan 'yung lason na binigay sa emperor pero kung mapapakinggan ko baka sakaling may maalala ako.

"Wolfsbane, isang kulay blue o hindi kaya violet na bulaklak, pagkinatasan mo ang mismong talulot ninto ay makukuha mo ang lason na pwedeng pumatay sa normal na tao pati na rin sa mga asong lobo, at pagkinatasan mo naman ang ugat ninto ay doon mo makukuha ang antidote," paliwang ni Viggo sabay turo sa larawan sa isang libro na nagtutukoy ng bulaklak na 'yun.

Tinitigan ko naman itong maige at binasa lahat ng nakasulat tungkol dito at mukhang ito na nga ang lason na hinahanap ko.

"Makakagawa ka ba ng antidote rito?" Tanong ko sa kaniya at nagkamot siya ng kaniyang ulo.

"Kanino mo ba gagamitin? Sino bang nalason ha?" Inis niyang tanong na para bang walang balak sundin ang utos ko at napipilitan lamang siya rito.

"Sa emperor," mahina kong sagot sa kaniya pagtapos kong lingatin ang paligid at makitang walang ibang tao sa silid.

"Ha? Pano mo naman nalaman na nalason ang emperor?" Tanong niya at tinapik ko lang ang balikat niya.

"Basta, magtiwala ka lang sa 'kin at kung may alam ka kung saan ko makukuha ang antidote ay sabihin mo na agad sa 'kin," sagot ko sa kaniya at parang sinusuri niya pa kung nagsasabi ako ng totoo o ano.

"Masusunod, bukas pag-alis na'tin papuntang border ay pwede tayo dumaan roon saglit," sagot niya at tumango naman ako.

"Salamat Viggo, wag ka mag-alala wala akong gagawin na kahit ano," sagot ko at tumango naman siya.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon