WIN MY HEART (PROLOGUE)

1.9K 33 12
                                    

[ NOTICE: This material is protected by copyright and has been written solely for Wattpad reading only. You may not sell, alter or further reproduce or distribute any part of this coursepack/material to any other person. Failure to comply with the terms of this warning may expose you to legal action for copyright infringement and/or disciplinary action by the Wattpad and its writer itself.] 


ALEXA RILEY

Dumating ka na ba sa point na bigla mo na lang maalala 'yungpagkakataon na sana ginawa mo 'yung isang bagay kaysa hindi?

That happened to me.

Actually, nangyayari na 'yun ngayon at this point of my life.


Nakatayo ako ngayon sa gitna ng race track field kung saan ginanap angfirst debut ko as a professional track runner. I won the first place nung mga panahong iyon.

Maraming lumapit sa 'king national and international coaches paraalukin ako ng iba't ibang klaseng exclusive contract para i-train akounder their wing.    

  Well- anticipated athlete ako noon. 


 I have this BIG potential in my hands, or rather, in my two feet.

Sabi ni Papa, tanggapin ko na raw ang isa sa mga offer ng kilalang coachna may napakaraming connection para mapasama ako sa internationalscene. Ngayon lang daw sila nakakita ng tulad ko na na-exceed angrecord ng pinakamabilis sa buong mundo sa same track na ginawa ko. 

Kaya nga nagkakagulo noon ang media that day.


 Gusto nila ng live, exclusive, at kung anu-anong interviews.

Kaso lahat ng offer sa 'kin...

Wala akong ginawa. Wala akong tinaggap.


 I said it's too early for me para tumalon sa gano'ng kalaking challenge.Hindi pa 'ko handa. I know that I still have to train myself more.Tsamba ang pag-beat ko sa world record. Marami pa 'kong kakainingbigas.

Being first place sa unang debut ko as a pro doesn't mean I'm the best.

So...ayun.  


 Naalala ko ring tumanggi na 'ko sa fourth interview sa isang T.V.Network that same day. Sobrang pagod na 'ko that time at gusto ko nalang umuwi ng bahay with my family.

Nag-aya si Kuya na kumain muna kami sa labas bago umuwi...   


 Tumanggi ako. Hindi ako pumayag.

Mabait si Kuya at naiintindihan ako ni Papa kaya pumayag sila naumuwi nalang kaming lahat. 

At dahil doon...  


Nagsisisi ako ngayon na wala akong ginawa at hindi ako pumayag samga bagay-bagay.


We had a car accident.

And because of that...  


 My Papa is now dead.

My Kuya is still brain dead.

I, on the other hand, am still alive  


 And, of course, laging may salitang "BUT".

But...   

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WIN MY HEARTWhere stories live. Discover now