MALDITA 10

957K 24.2K 4.1K
                                    

MALDITA 10

Two weeks have passed. Ang dapat na deal namin ni Nerd ay hindi na natuloy. Nagkakatinginan kami sa School pero hindi na sya nagtangka pang lumapit sa akin. Makikita ko pa lang kasi sya, nilalagpasan ko na sya. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng kaibigan. Ilang araw lang naman kami nagkasama pero hindi na ako sanay na hindi naririnig ang kadaldalan nya at pagiging pakialamera nya.

"Hey, spacing out?" Tanong saakin ni Ian

It's been a week since we started dating again. I called him up lask week as part of my 'tanga-tangahan-game-plan'. Nagdrama lang ako ng konti at pinakinggan kunyari ang side nya. Todo explain sya sa phone habang ako kumakain at nanonood ng movie, pakialam ko sa paliwanag nya?Simple lang ang rule ng laro ko sa kanya; ang maniwala, tanga. So here I am having lunch with a liar and playing my role as Avah Madrama.

"Sorry, naalala ko lang kasi noong tayo pa. Sayang 'no? We didn't get a chance to be like this...having lunch in public, strolling at the mall and be this close." Pa-sweet kong sabi sa kanya with teary eyes pa.

Yuck! Gusto kong masuka sa sinabi ko. Literal namang nagtaasan ang mga balahibo ko when he held my right hand na nakapatong sa table.

"It's not too late, right? We can start again. I still love you Avah. Please be mine again." Ngiting-ngiti nyang sabi sa'kin at pinisil pa ang kamay ko.Sige lang Ian, konting push pa.

"How about Avy? Ayokong makasira ng relasyon, masakit 'yon e. Ayokong masaktan sya, she's my sister." Paawa kong sabi sa kanya at pinilit ko pang lumuha para effective.Kung magaling syang umarte pwes mas magaling ako sa kanya. Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal.

"Don't cry. Akong bahala sa kanya, hahanap ako ng tyempo para makipaghiwalay sa kanya. We will work this out together, ok?" Lumapit pa sya sakin at niyakap ako. Rolling my eyes, I manage to hug him back.

"She's coming back sooner or later." Hindi na ako makapaghintay makita ang magiging itsura ni Avy kapag nakipaghiwalay si Ian sa kanya.

"Don't worry about her. Hindi na ako papayag na maghiwalay ulit tayo." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya dahil nandidiri na ako. I wore my victory smile when I look at him. Welcome to hell, Ian.

After that nakakadiri-slash-nakakasuka na lunch datedumiretsyo ako sa Bar ni Aira. Kailangan kong i-share ang kasiyahang nararamdaman ko sa mga kaibigan ko.

"Kayo na ulit? As in, love, love, love?" Maarteng tanong ni Frances.

"Yes kami na ulit but love? No way." Sagot ko naman ang took a sip of my drink.

"Ano ka ba naman Frances, Avah's doing it for revenge not for love. Duh? Konting imbak nga ng utak." Pangongontra ni Aira.

"Nakakahiya naman sa'yo, brilliant ka eh."

"Dapat lang, ang pangit naman kung maganda lang ako 'diba?"

"Sana pati ugali mo pretty din." Frances said while flipping her hair.

"Sana ikaw din." Pag-ganti ni Aira.

"Are you done sharing your insecurities in life?" Sabat ni Dhonna. Umayos naman silang dalawa. Kung may isang taong makakapagpatigil sa away nilang dalawa, si Dhonna lang 'yon. Kapag nagsalita na kasi si Dhonna, napipikon na s'ya. After a moment of silence seryosong tumingin sa'kin si Dhonna.

"Be careful Avah. Minsan ka na nyang niloko at hindi imposibleng lokohin ka nya ulit. Always put your guard up." Paalala pa nya.

"Thank you but don't worry, my maldita radar is always on. Hindi na nga ako makapaghintay sa pag-uwi ni Avy. I am planning to give her a welcome back party. I want Ian to break-up with her on that day. Gusto kong madaming makasaksi ng pagiging sawi nya."

Nai-imagine ko na ang mga mangyayari. Sana lang umayon pa rin sa plano ko ang lahat hanggang sa huli. Gustong-gusto ko nang iparamdam sa kanila lahat ng sakit na ipinaramdam nila sa akin noon.

"Na-record mo ba?" Tanong sakin ni Dhonna.

"Of course! Here." Inabot ko sa kanila ang isang voice recorder na ginamit ko para i-record ang pag-uusap namin ni Ian kanina. Dhonna suggested to record the converstion that I will have with Ian, for future use. Justin case pumalpak ang plano ko.

"Good job." Sabi nila after nilang pakinggang ang laman ng recorder.

"I can smell victory." Nangingiting sabi ni Dhonna.

"OMG! Nakaka-excite, sounds pangmayaman." Sabi ni Frances

"Cheers for my Pangmayamang Revenge!" Sagot ko at itinaas ko ang baso ko.

-

Umuwi ako sa bahay ko ng may ngiti sa mga labi.Kung ano-ano na ding scenes ang naglalaro sa utak ko. Dala na siguro ng sobrang excitement para sa nalalapit na pangmayamang revenge ko kay Avy.

Tahimik ang loob ng bahay, puro dim lights na lang ang nakabukas. Tulog na siguro ang lahat, mag-a-alas tres na din kasi ng umaga. Pa-akyat na sana ako noong biglang bumukas ang ilaw sa may bandang sala.

"Ginagabi ka ata."

Kinilabutan ako sa biglang nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko sa galit at automatic na nag-on ang maldita radar ko. Iba pala talaga ang epekto kapag sa personal mo narinig ang boses ng taong kinasusuklaman mo, walang wala kumpara sa boses nya sa telepono.

"Actually madaling araw na." Pagtatama ko sa kanya at nilingon ko sya.

Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko sa galit noong nakita ko ang inosente nyang mukha na nakangiti sa akin. Habang unti-unti syang lumalapit, mas lalo kong nakikita ang totoo nyang pagkatao.

"Sumasagot ka na. Ano pa ba ang pinagbago mo?" Nang-aasar na tanong nya habang naglalakad paikot sa akin at pinagmamasdan ako. I can't help myself to feel some chills on my spine while she's eyeing me from head to toe.

"New hairstyle, may fashion sense ka na din, your wearing make-up too. But you're still the same Avah that I used to know. Pathetic, scared and weak...in short, loser." Sabi nya at idinidiin nya ang hintuturo nya sa noo ko. Tinapik ko ang kamay nya at lumayo ako ng konti sa kanya.

"Huwag kang masyadong lumapit sa akin pwede? Ayoko kasi ng amoy ng sunog na basura." Sagot ko sa kanya at dahil doon sinampal nya ako.

"How dare you!"

Inayos ko ang sarili ko at gumanti ako ng sampal na ikinagulat nya.

"You deserved it."Iiwan ko na sana sya noong may nakalimutan pa ako.

"Nakalimutan kong i-welcome ka." Sinampal ko ulit sya, napasapo naman sya sa pisngi nya.

"Welcome back!" Isa pang sampal ang ipinatikim ko sa kanya.

"I miss you so much!"

Tuluyan ko na syang iniwan na nakatanga at gulat na gulat, enjoying her 'in-your-face-moment'.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionWhere stories live. Discover now