Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 8

21.1K 803 207
                                    

Eight

Hinihintay ko si Rachel sa labas ng school library, alas siete na pero hindi pa sila tapos mag-edit ng thesis nung partner niyang si Bea. Nagpa-check kasi sila ng chapters one and two kanina kaya pinapaspas naman nila ng edit ngayon. Medyo malayo pa kasi yata yung bahay ni Bea rito kaya naman kaysa magkikita ulit sila bukas, eh, tatapusin na nila ngayon. Naghihintay din yung boyfriend ni Bea sa labas ng library kagaya ko, hindi ko siya kilala kaya nagkakatanguan na lang kami.

Suwerte ako dahil yung sa thesis namin, kapitbahay lang namin yung naging partner ko. Si Casey, katapat lang ng apartment namin yung apartment nila at kapag may gusto kaming palitan o kapag may pinapabago sa 'min ay madali lang mag-usap. Minsan, nagsisigawan na lang kami sa labas ng veranda at do'n na lang kami nag-uusap, saka nakaka-inuman din namin ang mga 'yon, kakampi rin sa basketball kapag may laro do'n sa court ng barangay kaya walang kaproble–problema.

Ngayon na lang nga ulit kami magkikita ni Rachel, halos dalawang linggo kaming hindi nagkita dahil busy kami pareho. Pukpukan na kami sa kanya-kanya naming mga schedule. Ayun, hanggang tawag, text, at chat na lang muna ako. Tangina! Kating-kati na nga akong makita siya, eh. Buti na lang Saturday bukas, medyo libre kami.

Makalipas ang halos sampung minuto ay lumabas na si Rachel saka si Bea.

"Una na kami, ha, text mo na lang ako, Rache, kapag may nakita kang error," paalam ni Bea sa 'min.

"Sige, ikaw din text mo ko kung may concern ka roon sa ginawa natin para aayusin natin." Si Rachel naman kay Bea.

Agad na umakbay yung boyfriend ni Bea sa kanya nung naglalakad na sila.

"Ma'am, pagod ka?" tanong ko kaagad kay Rachel.

"Medyo, bakit? Ikaw ba pagod ka?"

"Hindi, hindi ako pagod pero puwede akbay din ako?" nakangiting tanong ko kay Rachel.

"Ha?"

"Puwede ako rin?" Tapos itinuro ko si Bea saka yung boyfriend niya.

"Sus, gusto mong umakbay?" tanong ni Rachel sa 'kin tapos nakasimangot siya.

"Oo sana eh, miss na miss kaya kita tagal kasi nating 'di nagkita," sabi ko, umaasang papayag siya sa gusto ko.

"Alam mo, Jacob, pagod ako kaya wala akong panahon sa mga ganyan mo ngayon."

"Kahit ten minutes lang?" pangungulit ko.

"Bumenta na sa 'kin 'yang ten minutes mo, 'di na ako bibili ulit niyan."

"Yes, Ma'am."

"Siya, mag-bend ka riyan."

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Mag-bend ka, tupi mo nang bahagya tuhod mo."

"Bakit?"

"'Di ka pagod, 'di ba?" Nakataas na yung kilay niya sa akin kaya ginawa ko yung gusto niya.

Damn it.

Naramdaman ko siya sa likuran ko. Iniangkla niya ang mga braso niya sa balikat ko. Tangina! Nag-piggy back ride siya sa 'kin.

"'Di ka pagod, 'di ba? Pero kung ayaw mo o nabibigatan ka sa akin, eh, bababa na lang ako," sabi niya.

"Hindi, Ma'am, kayang-kaya kita, saan tayo?" Malaki na yung ngiti ko ngayon. Tangina! Ano ka ngayon boyfriend ni Bea, akbay akbay ka lang, ha, panis ka sa 'kin.

"Gutom na si Madame Rachel, de Lara gusto niya ng buffalo wings," sabi ni Rachel sa 'kin.

"Aye, mademoiselle!"

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Akned Mars, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Akned Mars
@AknedMars
Even after getting dumped by his beauty queen girlfriend, Jacob de La...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 37 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @AknedMars.
How To Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon